Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek ramsay, nagkakasakit na sa sobrang dami ng show sa TV5

 

060115 DEREK RAMSAY

00 fact sheet reggeeSAYANG at hindi nakarating si Derek Ramsay sa launching ng bagong game show ng TV5 na Happy Truck Ng Bayan para matanong namin kung para saan ‘yung napanalunan niyang Toyota Vios Cup sa Cebu City noong Mayo 16-17.

Nangangarera na rin ba ngayon ang aktor at iniwan na ang Frisbee?

Bakit nga ba wala ang aktor sa ginanap na presscon?

Ang sitsit sa amin ay may taping daw si Derek ng ibang show at hindi siya pinayagang umalis sa venue, sa madaling salita ay hindi siya pinayagang suportahan ang bago niyang programa.

Tinanong namin ang handler ni Derek, ”dahil po sa sunod-sunod na ang tapings niya ng ‘Extreme Sports’ at ‘Mac and Cheeze’, nagkasakit po siya. Hindi na po niya kinayang pumunta sa presscon. Totoo pong may taping siya kaso hindi na niya kayang magpunta sa presscon.”

Nabanggit pa na marami palang shows ang aktor sa Kapatid Network kaya bisi-bisihan si Derek.

Marami pala, eh, bakit isinama pa siya sa Happy Truck Ng Bayan?

Curious din kami kung paano ang hatian ng segment at exposures ng mga artistang kasama saHappy Truck Ng Bayan at paano ang billing?

Bukod kasi kay Derek ay kasama rin sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Mariel Rodriguez-Padilla, Tuesday Vargas, Shaira Mae, Akihiro Blanco, Mark Neuman, Vin Abrenica, Chanel Morales, Kim Idol, at Gelli de Belen na ididirehe naman ni GB Sampedro na mapapanood na sa Hunyo 14, Linggo, 11:00 a.m.-1:00 p.m. sa TV5.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …