Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paras family, ‘di ligtas sa batikos from social media, taboo man sa bahay nila ang mga dyaryo

 

ni Ronnie Carrasco III

052715 paras jackie

PLAIN “Jackie” na lang ang form of address ng mga anak ni Benjie Paras na sina Andrei at Kobe sa kanilang ina.

Bagamat kailangan ding unawain where these kids are coming from, saan mang anggulo tingnan ay maliwanag na kawalan ‘yon ng respeto ng anak sa babaeng nagluwal sa kanya, gaano man kasumpa-sumpa ang inang ‘yon.

Kung nakukuha nga nating tawaging “tito” o “tita” ang mga nakakabungguang-siko natin sa showbiz—gayong hindi naman natin tiyuhin o tiyahin ang taong ‘yon—why can’t Andre and Kobe call their mom “Mama” or “Mommy” kahit pabalat-bunga man lang?

Ipagpalagay na nating mga bata pa sina Andre at Kobe, their father Benjie should take full responsibility para isaksak sa kukote ng mga anak niya that after all, Jackie Forster is still their mother.

Worse, sa halip na kahit paano’y ilapit ng ngayo’y misis ni Benjie na si Lyxene sina Andre at Kobe sa kanilang ina ay tila ginagatungan pa niya ang mga ito para manaig ang galit para kay Jackie.

Samantala, we can come up with the worst items written about Benjie, his wife and kids nang wala kaming matatanggap na pagpuna o violent reactions from them. And why? No-no as in taboo pala sa Paras household na magbasa ng mga diyaryo—broadsheets at tabloids—para hindi na rin sila maapektuhan.

But call it “cul-de-sac” sa wikang French, isang sitwasyong hindi maaaring takasan. Paano ang social media—Facebook, Twitter, Instagram and the like—na nagre-react din naman ang pamilya Paras sa mga makatwirang batikos laban sa kanila, aber?

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …