Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Celebrity screening ng Stars Versus Me, dinagsa ng fans

 

052715 maris manolo

00 SHOWBIZ ms mNAMANGHA kami sa rami ng fans na dumagsa sa celebrity screening ng Stars Versus Me nanagtatampok kina Manolo Pedrosa at Maris Racal. Ganoon na pala karami ang sumusuporta sa tambalan ng dalawa.

Isa kami sa suweteng naimbitahan para sa celebrity screening na ginawa noong Sabado sa Cinema 7 ng SM Megamall.

Halos nabingi kami sa walang humpay na tili ng fans sa loob ng sinehan lalo na nang makita nila ng personal ang loveteam. Dagdag pa na nang simulan ang pelikula na magkasama sa bawat tagpo, asahan ang tilian. Natawa nga kami dahil may kilig factor ang dalawa lalo na nang may tagpong hahalikan ni Manolo si Maris gayundin ang madalas na pagtititigan.

Hindi lang sa personal appearance nasiyahan ang fans ng dalawa dahil namigay pa ng cellphone at ibang gadget ang producer ng movie kaya panalong-panalo talaga ang fans.

Present sa celebrity screening ang iba pang mga bida sa Stars Versus Me tulad nina Matet de Leon, Rita Avila, at Jenine Desiderio. Naroon din ang kaibigan nilang si Janella Salvador at mga dating PBB housemates na sina Loisa, Axel, at iba pa.

Mapapanood na ang Stars Versus Me sa June 3.

Base sa best-selling novel with the same title na isinulat ni Joven Tan na siya ring director ng pelikula ang Stars Versus Me. Ito ay tungkol sa mga taong mahilig sa horoscope kaya tiyak na marami ang makare-relate rito.

Congrats sa team ng Stars Versus Me.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …