Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pooh at K, may kakaibang lovescene sa Espesyal Kopol

 

052715 pooh K brosas

00 SHOWBIZ ms mKAKAIBA ang konsepto ng pelikulang pagsasamahan nina K Brosas at Pooh, ang Espesyal Kopol na mapapanood na sa June 3 handog ng Bagon’s Film at idinirehe ni Buboy Tan.

Ang Espesyal Kopol ay ukol sa pagpapanggap nina K at Pooh bilang mag-asawa para may makuhang importanteng bagay na pareho nilang gusto.

Ayon kina K at Pooh, dapat abangan ang last part ng pelikula na mayroon silang love scene dahil kakaiba raw iyon.

Napag-alaman naming dapat pala’y si Pokwang ang gaganap na asawa ni Pooh pero hindi kinaya ng schedule nito kaya napunta sa kaibigang si K ang role.

Ayon kay direk Buboy, iniba ang hitsura ni K Brosas sa pelikula dahil nilagyan ito ng false teeth kaya pati ang pagsasalita’y nabago.

Dadalhin sa Canada at iba pang parte sa Amerika ang Espesyal Kopol. Ayon kasi kay Mama Dhel, dalawa sa producer na kasama niya ay taga-Canada. Kaya may pagkakataong mapanood ng mga kababayan nating nasa Canada at America ang pelikulang tiyak na magpapatawa at magpapasaya sa kanila.

Kasama rin sa Espesyal Kopol sina Manuel Chua, Gene Padilla, Isadora, Pia Moran, Emma Villanueva, J Pranco, Benz Sangalang, Witney Tyson, John Romano, Danny Labra, Ruby Ruiz, Eddy Tuazon, Jackstone 2, at Jack n Poy.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …