Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi at Ian, malakas ang dating sa fans! (Pangako Sa ‘Yo, nagpakilig agad kahit wala pa sina Daniel at Kathryn)

 

052715 kathniel ian jodi angelica

00 Alam mo na NonieMATINDI ang rehistro sa viewers ng pilot episode ng Pangako Sa ‘Yo last Monday. Kahit na hindi pa umeeksena sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, talagang obvious na tinutukan ito nang marami.

Hindi lang kasi maririnig sa mga kapitbahay na nakatutok sila sa seryeng ito ng ABS CBN, kundi maging mga kaibigan at relatives ay ito ang pinag-uusapan. Maging sa Social Media ay paborito itong paksa. Actually, nag-trending agad ang Pangako Sa ‘Yo sa unang salvo pa lang ng pag-ere nito.

Hindi naman kataka-taka, dahil bukod sa may following na talaga ang dating seryeng ito na pinagbidahan originally nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales, alam naman natin na hukbo-hukbo ang fans ng KathNiel tandem na ayaw ma-miss ang episode ng serye nila kahit na wala pa ang kanilang idols.

Of course, masasabing may malaking fan base rin sina Jodi Sta. Maria at Angelica Panganiban na gumaganap dito bilang sina Amor Po-wers (na binigyang buhay noon ni Eula Valdes) at Madam Claudia Buenavista (na ginampanan dati ni Jean Garcia), respectively.

Idagdag pa si Ian na kahit 40 years old na ay marami pa rin pinakikilig na chicks, solved na solved talaga ang viewers sa unang araw pa lang ng Pangako Sa ‘Yo.

Marami rin ang pumuri sa galing nina Jodi, Angelica at maging si Ian.

Karamihan din sa comments na narinig ko ay nagsasabing bagay at may chemistry sina Jodi at Ian.

Maganda ang feedback, dahil kakaiba ito sa original na version. Pati cinematography at production design ay halatang pina-isipan. Ani-mo nga, isang pelikula ang TV series na ito ng Dos.

Kaya kahit hindi ko pa nakikita ang ratings, sure ako na bugbog na naman at lalamunin na naman nang buong-buo ng ABS CBN ang katapat nitong programa sa Kapuso Network!
ni Nonie V Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …