Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian Rivera magandang buntis, dinagsa pa ng endorsement

 

ni Peter Ledesma

041515 marian

SA SHOWBIZ, very rare sa ating mga celebrity ang preggy na hindi nawawalan ng project, kabilang na rito ang Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera.

Dahil kasalukuyan ngang 3-month pregnant sa hubby niyang si Dingdong Dantes, nag-back out ang magandang aktres sa pagbibidahan sa-nang tomboy serye na “The Richman’s Daugther” para mamahinga muna at ang kanyang Papa Dong lang muna ang aasikasuhin.

Pero hindi ganoon ang nangyari dahil mas dumami pa ang mga endorsement ngayon ni Marian na feeling super blessed talaga, dahil one after another ang pagdating ng mga offer sa kanya to endorse different products.

After ng launching sa Belo at 555 Tuna Sardines Kumpletuna, ipinakilala naman ang Kapuso actress bilang bagong celebrity endorser ng Mario D’boro at isa sa malaking factor kung bakit kinuha ng United Mix Creations kilalang makers ng mens, ladies and children shoes na mabibili sa lahat ng SM at Robinson’s malls at iba pang department stores nationwide ay dahil mahilig si Marian sa sapatos. Sa katunayan, marami siyang collection ng branded shoes.

Sa nasabing launch na ginanap sa Relish resto sa Tomas Morato ay Mario D’boro ang suot na sapatos ni Marian na binagayan ng bulaklakin niyang Carolina Herrera dress. Bilang ambassadress ng nasabing shoe company, para mas lalo pang lumawak ay magkakaroon ang aktres ng sarili niyang Marian Collection by Mario D’boro.

Bilang panimula, gagawa muna ng limang designs ng shoes si Marian at ti-tingnan nila kung magugustuhan ng customers at kung magiging maganda rin ang sales nito sa bawat branch. Well sa dami ng kanyang fans ay tiyak na bebenta ang nasabing mga sapatos.

Samantala nagandahan ang entertainment press sa photo shoot na ginawa ni Marian sa Mario D’boro na nakasama ng aktres ang matagal ng endorser ng company na si Arron Villaflor at ang child actor na anak ni Vandolph na si Vito Quizon. Mala-Hollywood star ang dating ni Marian sa kanyang mga kuha rito.

By the way, bago pala nagpunta si Marian sa press launch niya sa Mario D’boro last Thursday ay dumalo muna siya sa event ng Philippine Entertainment Portal (PEP) List 2 na Pepster’s Choice sa Luxent Hotel. Winner silang dalawa ni Dingdong para sa “Newsmaker of the Year.”

Sayang at hindi siya nasamahan ng guwapong mister dahil nasa taping ng “Pari Ko’y” noong mga oras na ‘yon. Kahapon pala ay nag-renew si Marian ng kanyang contract para sa matagal ng ini-endorsong Maxi-Peel at idinaos ito sa Sequioa Hotel sa Timog na dinumog ng press at photogaphers.

Nag-uumapaw na blessings gyud!

ABNER (BENJIE) MAKALIGTAS KAYA SA BINGIT NG KAMATAYAN, ABANGAN SA NATHANIEL NA PUMALO NA SA RATING NA 36.8%

Masayang-masaya ang buong production ng Dreamscape Entertainment sa pangunguna ng head kanilag na si Sir Deo Endrinal at buong cast ng Primetime bida inspirational drama serye na “Nathaniel” dahil sa patuloy na pagtaas ng rating nito.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao at Marco Masa bilang Nathaniel sa lahat ng mga manonood dahil sa patuloy na pagsubaybay at hindi pagbibitaw sa kanilang soap.

Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa e pumalo sa 36.8% ang rating ng Nathaniel noong Mayo 22 (Biyernes), at base ito sa inilabas na latest result ng Kantar/TNS Survey. Tuloy-tuloy na kasi ang makapigil hiningang mga eksena sa serye, lalo na ang mas tumitinding paghahasik ng lagim ng kontrabidang si Madam AVL (Coney Reyes-Mumar) kasama ang kampon ng kasamaan na si Leo Martinez.

Isa rin sa tinututukan ng viewers sa Nathaniel ang makulay pero masalimuot na buhay ng pulis na si Abner (Benjie Paras) at misis na si Beth (Pokwang) na hindi talaga tatantanan ni AVL hangga’t kontra sa mga gusto niyang mangyari lalo na ang palawakin ang kasamaan sa mundo at puro salapi na lang ang nasa utak.

Sa episode na ipinalabas noong Lunes ay ipi-nakitang nabaril si Abner ng ‘di kilalang tao at nasa malubhang karamdaman ngayon. Mailigtas kaya siya ng anak-anakang anghel na si Nathaniel at makiusap sa Diyos para mabuhay ang nasa-bing ama-amahan?!

Subaybayan ‘yan sa Nathaniel na napanonood mula Lunes hanggang Biyernes sa Primetime Bida ng Kapamilya network pagkatapos ng TV Patrol. Kasama rin dito sina Isabelle Daza, Jayson Gainza, Ogie Diaz, Sharlene San Pedro etc.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …