Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, in-love na naman daw kaya nakalimutan agad si Gerald

 

ni Ambet Nabus

052615 maja gerald dennis

PINAG-UUSAPAN na rin lang ang mga gawain, proud na ibinahagi ni Maja Salvadorna “in love” siya sa mga nagawa na niya at ginagawa pang mga project kaya siguro mas madali rin sa kanya ang mag-move on sa isyung ‘natapos’ na pag-iibigan nila ni Gerald Anderson.

“May ganyan talaga Kuya Ambet? Hindi ba puwedeng bunga lang itong lahat ng hardwork at walang kinalaman ang usaping puso?” ang natatawa nitong tsika sa komento namin.

Blooming na blooming ang aktres na kamakailan nga ay naglunsad ng kanyang ikalawang album under Ivory Music na In Love na carrier ang Bakit Ganito ang Pag-Ibig?

Mayroon din siyang upcoming movie with Dennis Trillo na You’re Still The One na ipalalabas na rin this week sa mga sinehan.

Matagal na raw niyang pangarap na makasama sa movie ang kapwa mahusay niyang aktor, at hindi naman daw siya nabigo sa kanyang mga inaasahan dahil bukod sa napakagaling nitong katrabaho ay naging magkaibigan sila ni Dennis.

Gabi-gabi nating napapanood si Maja sa Bridges of Love na isa sa mga pambatong soap ngayon ng ABS-CBN. Kaya nga ng uriratin namin ang aktres kung ano pang mga future niyang gawain ang sa tingin niya’y magpapatingkad pa lalo ng kanyang pagka-aktres at pagiging babae, sumagot ito ng, ”for sure walang kinalaman sa pag-ibig na personal. Basta ‘in love” ka lang ng tama sa trabaho mo, mabi-blessed ka rin ng tama.”

‘Yun na mare!!!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …