Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktres, pumatol sa kasamahang actor kaya hiniwalayan ng BF actor

00 blind itemni Reggee Bonoan

HINDI namin alam kung nagbibiro o seryoso ang kilalang movie producer sa kuwento tungkol sa kilalang aktor at aktres habang isinu-shoot nila ang pelikulang pagsasamahan nila.

Dinedma namin ang tsikang ito kasi parang wala naman sa record niyong aktres na pumatol sa aktor lalo’t may boyfriend siya.

Hanggang sa natapos ang tsikahan namin ng movie producer ay at saka namin naalala na baka nga posible kasi nahiwalay na ang aktres at ang boyfriend nitong aktor din.

Pero hindi pa rin kami naniniwala na ang kasamang aktor ni aktres sa pelikula ang dahilan kaya sila naghiwalay ng boyfriend niyang aktor.

“Baka nagkatikiman o nagselos si (boyfriend na aktor) roon kay (kasamang aktor sa pelikula), kilala rin naman siguro niya ‘yun (aktor) na mabilis sa babae,” sabi ng isang talent manager.

Sabi naman namin na imposible pa rin kasi iba ang pagkakakilala namin sa aktres.

Pero ang mabilis na sagot sa amin, “sure kang matino siya (aktres)?”

Hala, napaisip na naman kami, sabagay, ilang beses ng nagkamali si aktres sa buhay niya, posible bang maulit ulit iyon, eh, medyo bata pa siya noon?

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …