Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lyca, napagsasabay ang gigs At pag-aaral

 

052515 Lyca Gairanod

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWANG malaman na bagamat kabi-kabila na ang gigs at raket ng The Voice Kids grand winner na si Lyca Gairanod, hindi pala nito pinababayaan ang pag-aaral. Pinagsasabay niya ang pag-aaral at pag-raket kumbaga.

Nasa ikatlong baitang na sa kasalukuyan si Lyca.

Kagagaling lang ng Canada si Lyca dahil siya ang special guest sa concert ng dating coach niyang si Sarah Geronimo. O ‘di ba naman, marami nang bansang nalilibot si Lyca dahil sa kanyang talent.

Isang taon matapos tanghaling unang grand winner ng The Voice Kids, umuulan ng biyaya kay Lyca lalo pa’t walang patid ang pagdating ng gigs at guestings sa kanya. Bukod din sa house and lot na napanalunan niya sa The Voice, nakapagpundar na rin siya ng sasakyan para sa kanyang pamilya.

“Marami na akong nakilalang kaibigan at napaganda pa lalo ang buhay namin. Sobrang saya po na nakakatulong sa pamilya. Natupad ang pangarap ko at nagpapasalamat talaga ako kay God na tinulungan Niya ako,” ani Lyca, na nagsimulang maghanapbuhay noon bilang mangangalakal.

Kung ating matatandaan, bukod sa pagkanta, sumabak na rin si Lyca sa acting sa kanyang life story sa MMK, na pinuri ang performance niya kaya naman nagsabi itong gusto uli niyang umarte.

“Gustong gusto ko po talagang um-acting kaso hindi na talaga kaya ng schedule, hindi na masiksik. Pero kahit ano mang ibigay sa akin, tanggap lang ng tanggap,” aniya.

Hindi rin maitago ni Lyca ang excitement na mapanood ang ikalawang season ng The Voice Kids na magsisimula na ngayong Hunyo. Kaya naman sa pag-aabang ng buong bansa sa susunod na grand winner, mayroong payo si Lyca para sa mga nangangarap,”Libre lang naman pong mangarap kaya mangarap na po kayo nang mangarap. Manalo o matalo, congratulations pa rin. Andyan pa rin si Lord.”

Aniya pa, ”Sana magpakabait sila, huwag nilang kalimutan ang pamilya nila lalong lalo na si God. Magdasal palagi bago kumanta. Huwag lalaki ang ulo at magpakabait lagi.”

Abangan ang pagsisimula ng The Voice Kids Season 2 ngayong Hunyo sa ABS-CBN.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …