Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Singkit na mata ni Manolo, may negatibo ring dulot

 

013015 MANOLO PEDROSA

00 SHOWBIZ ms mMASUWERTE kapwa sina Manolo Pedrosa at Maris Racal dahil hindi pa man ganoon katagal ang kanilang paghihintay (simula nang lumabas sila sa Bahay ni Kuya) para sa isang malaking break, heto’t mapapanood na sila sa Stars Versus Me na idinirehe niJoven Tan at mula sa Tandem Entertainment.

Ukol sa young couple ang istorya ng Stars Versus Me na ang relasyon ay naiimpluwensiyahan ng paniniwala sa horoscope.

Nakausap namin si Manolo sa presscon ng pelikula kamakailan at naitanong namin sa kanya kung hindi ba naging sagabal ang sobrang paniningkit ng kanyang mga mata kapag tumatawa na siya. Nawawala na kasi ito kaya posibleng may negatibong dating bagamat asset ito ng batang actor.

Ani Manolo habang tumatawa at nawawala ang mata, ”May negative reaction din nga po kasi hindi rin po maganda na madalas nawawala ‘yung mata ko sa sobrang kasingkitan (na parang laging nakapikit ang epekto),” paliwanag ng binata. Kaya naman daw ipinaulit sa kanya ang ilang tagpo na nakukunang may sobrang pagpikit na nagaganap.

“Kaya po laging ipinaaalala sa akin ni Direk Joven na ‘o ‘yung mata mo’, ganoon po,”nangingiting kuwento pa ni Manolo na lalong sumisingkit ang mata kapag ngumigiti.

Maraming nakatutuwang tagpo sa Stars Versus Me na tiyak makare-relate ang mga teen-ager isa na rito ang pagkonsulta nina Manolo at Maris sa isang astrology expert sa kung itutuloy ba ang kanilang date sa isang park.

Ang Stars Versus Me ay ang ikatatlong major acting project kapwa nina Maris at Manolo kasama na ang guest appearance nila sa Hawak Kamay at Maalaala Mo Kaya.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …