Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yam Concepcion may ‘K’ maging anchor ng news program (Di lang pala pa-sexy!)

 

ni Pete Ampoloquio, Jr.

022415 Yam Concepcion

HABANG nasa Packo’s resto kami last week ay nasilip namin si Yam Concepcion na nagho-host ng showbiz segment (Star Patrol) sa TV Patrol na anchored regularly by Ms. Gretchen Fullido.

Siguro on leave si Gretchen, kaya si Yam ang nag-pinch hit sa kanya noong araw na ‘yon. Bonggga dahil nag-trending sa social media ang appearance na ‘yun ni Yam sa TV Patrol. Marami ang nagkagusto sa style ng hosting ng Kapamilya sexy actress at pinuri pa ang kanyang magandang boses sa ere.

Nasundan pa pala ang pagiging guest patroller ni Yam na umani uli ng iba’t ibang papuri. Well, noon pa namin isinusulat sa aming kolum na very articulate itong si Yam lalo na sa pagsasalita ng English. Sa isang sikat na university nag-aral ang nasabing celebrity So bukod sa pag-aartista ay may karapatan rin ang alaga ni Ms. Claire Dela Fuente na maging anchor ng news program o talk show host in the future. Saka bago pa sa paglabas niya sa number one news program ng Dos ay in-demand na rin si Yam sa pagho-host ng corporate show at iba pang event.

By the way, huling napanood si Yam sa teleseryeng Two Wives na gumanap siyang girlfriend ni Patrick Garcia at hindi siya nawawalan ng guesting sa mga show ng kanyang mother studio partikular sa “Ipaglaban Mo” at “Kapamilya Deal or No Deal.”

Versatile actress si Yam kaya magtatagal siya sa industriya.

Why not gyud!

COCO AT JULIA, MAGTUTULUNGAN PARA LABANAN ANG KASAMAAN SA WANSAPANATAYM PRESENTS YAMISHITA’S TREASURES

031215 julia coco

Ituturo ng Teleserye King na si Coco Martin at Kapamilya actress na si Julia Montes sa TV viewers ngayong Linggo (Mayo 24) ang masamang epekto ng pagiging sakim sa kapangyarihan sa pagpapatuloy ng “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures.” Ngayong malapit na nilang mabawi ang kapangyarihan ni Demetrius (Eddie Garcia), haharap muli sa malaking pagsubok sina Yami (Coco) at Tanya (Julia) dahil sa pagpigil ni Lisandro (Noni Buencamino) sa kanilang mga plano. Paano nga ba maititigil nina Yami at Tanya ang kaguluhan sa mundo ng mga engkanto? Ano ang gagawin ni Yami sa oras na dakpin ni Lisandro ang pinakamamahal niyang si Tanya?

Kasama rin nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ang mga premyadong aktor na sina Bing Loyzaga, Arron Villaflor, Alonzo Muhlach, Ryan Bang, Marlan Flores, at Angel Aquino. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at Joel Mercado, at sa direksyon ni Avel Sunpongco.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng adventure nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ngayong gabi sa ganap na 6:45 ng gabi pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www. abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Wan- sapanataym” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …