Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tagumpay ng Pangako Sa ‘Yo nina Echo at Kristine, tiyak na malalampasan pa ng KathNiel

 

ni Roldan Castro

052315 kathiel echo kristine

AYAW pa ring umamin sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa estado ng kanilang relasyon.

“Anong aaminin ko? Wala na,” pahayag ng Teenage King.

“’Pag hindi na kayo interesado. Hindi loko lang, joke lang!

“Kapag nasa tamang oras. Gabi na kasi ngayon,” bulalas ni Daniel.

Sa scale of one to 100 ay gaano siya kasaya ngayon sa personal na buhay niya?

“Three hundred,” mabilis niyang tugon.

Naipangako ba nila sa isa’t isa na magkakatuluyan sila?

“Wala po sa atin ang makapagsasabi ng future. Sana…. Hindi ko po alam. Basta kung ano po ang makabubuti, roon po tayo,” bulalas niya.

Sinabi naman ni Kathryn na ang importante para sa kanila ay kung ano ang kasalukuyan, na i-enjoy lang nila ang ngayon dahil mahirap ang mag-expect dahil wala ngang makapagsasabi kung ano ang maaaring mangyari.

Ano ang reaksiyon niya ‘pag tinatawag silang number one love team?

“Nakakahiya nga eh, nakakahiya,” sambit niya na may bago silang serye ni Kathryn sa ABS-CBN 2 na Pangako Sa ‘Yo na magsisimula sa May 25.

Tinanong din kung maiilang ba siya kung magkita sila ni James Reid na itinatapat sa kanya?

“Wala, wala. Wala namang kailangan na ika-awkward. Kapwa natin artista ‘yun, eh. Bakit natin ika-aano? Kaibigan natin lahat ng artista.

“Magkaibigan kami ni James, talaga, oo naman. ‘Yung talagang dati pa lang, hindi pa kami ano, magkaibigan na kami,” pakli niya.

Aminado si Daniel na may kaba factor siya kung paano tatanggapin ng mga televiewer ang remake ng Pangako Sa ‘Yo. Kaya ba nilang lampasan ang naging tagumpay ng naunang PSY?

“Ah, hindi ko alam. Hindi pa natin alam,” sey niya.

Ang mga direktor ng Pangako Sa ‘Yo ay sina Olivia Lamasan, Dado Lumibao, at Rory Quintos.

Nasa Pangako Sa ‘Yo sina Angelica Panganiban, Ian Veneracion,at Jodi Sta. Maria.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …