Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald, puspusan na ang paghahanda sa concert!

 

052315 gerald santos

00 SHOWBIZ ms mSA June 13 na magaganap ang Gerald Santos Metamorphosis concert sa PICC at ngayon pa lang ay puspusan na ang paghahandang ginagawa ng Prince of Ballad na si Gerald Santos.

Sa birthday celebration na ginanap ni Gerald sa Citystate Tower Hotel kamakailan, sinabi nitong maraming bago at pasabog ang mapapanood sa kanyang concert. Marami raw ang makapigil-hiningang number kaya naman dibdiban ang pag-eensayo niya.

Ilan sa nabanggit ni Gerald ay ang pagsayaw at pagkanta ng mga awitin ni Michael Jacson na binibigyan niya ng maraming oras dahil mahirap pagsabayin ang pagkanta at the same time ay sumasayaw. “Kung minsan nga po mas nabibigyan ko ng pansin ang pagsayaw,” pag-amin ni Gerald. Maririnig din ang ibang awitin ni Bruno Mars.

Excited si Gerald sa gagawin niya sa concert lalo pa’t makakasama niya ang symphony orchestra na siyang tutugtog sa 2 ½ hours na concert niya.

“Marami po silang makikita at maririnig. Halo-halo po kasi ang aking repertoire. Hindi lang ‘yung sa nakasanayan nilang naririnig na mga kanta ko ang maririnig nila kundi pati rock, ballad, techno, pop. Kaya po evolution po talaga ng aking musika ang makikita rito,” sambit pa ni Gerald.

Wish ni Gerald na maging matagumpay ang Metamorphosis concert niya sa June 13 dahil tiniyak niyang mag-eenjoy ang sinumang manonood nito.

Makakasamang mabibigay-saya ni Gerald ang MICA, si Ali Forbes, Azrah Gaffor, Yuan Santiago at iba pang sorpresang guests. Front act naman ang Freshmen at Intensity at ito’y ididirehe ni Cocoy Ramilo at ang musical director ay si Jeremy Alex Salva.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …