Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tetay at Bistek, tiyak na mas magiging close sa paggawa ng movie

ni Pilar Mateo.

052215 kris aquino herbert bautista

ARE they on the road to forever, too? Halo ang reaksiyon sa balitang magsasama na sa pelikula sa darating na MMFF (Metro Manila Film Festival) ang Queen of All Media na si Kris Aquino at ang Mayor ng Quezon City na siHerbert Bautista.

Kahit tutol ang anak na si Bimby sa muling pakikipag-close ni Kris sa lalaki ‘who broke her heart’ ayon na rin sa bunso, ipinaliwanag nito kay Bimby na this is the way for her to get a closure sa anumang namagitan sa kanila.

Wow! Ang galing ni Bimby! To understand the reason of the Mom. Matalinong bata talaga.

Pero ang nakikita naman ng ibang miron, eh malamang na hindi closure kundi ang pagiging lalo pang maging close sa isa’t isa ang mangyayari sa dalawang naunsiyami sa kanilang pag-iibigan.

Balita na kasosyo uli si Kris sa proyektong ito kaya hindi na nakatanggi ang butihing Mayor na nagsabing kailangan niya ng trabaho. Kaya nga nakatapos na siya ng isa with the Comedy Queen Maricel Soriano.

Kaya, ngayon pa lang, inaabangan na ang magiging resulta ng constant togetherness ng dalawa sa set. Lalo pa at ang isa sa inire-require nila eh, no visitors on the set?

O, ano pa?

May inaabangan na ngang announcement kay Kris. At may mga nagsasabi ng naaprubahan na ang pagpapatayo nito ng sarili niyang hotel. Naalala namin, noon pa, isa naman talaga sa mga pangarap ni Krissy eh, ang magkaroon ng sarili niyang building. So kung hotel man ‘yun o anupaman, eh tiyak isang mataas at malaking gusali ito in the heart of somewhere, sa Kyusi ba o sa Makati?

Sa kabilang panig naman ng buhay ng Mayor, balita rin na mukhang pinayagan na nito ang kanyang partner na si Tates ‘Mayora’ Gana na tumakbo na sa politika sa ika-6 na Distrito ng Lungsod Quezon.

At magiging pandalas na ang pagsasama nila o pagtulong sa mga proyektong isinasagawa ngiHelp Foundation, Inc. ni Tates. Kaya sa June 8, may 4thMayor Herbert Bautista Golf Cup na gaganapin sa Ayala Greenfield Golf and Leisure Club sa Calamba, Laguna na may double shotgun at 6:00 a.m. and 12 noon.

Isa sa pelikula, isa sa politika.

So, whose is the road to forever now? (Smiley!)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …