Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wala akong malisya ‘pag naghuhubad — Daniel

 

041515 daniel padilla

00 fact sheet reggeePAGKALIPAS ng 15 taon ay muling mapapanood ang remake ng Pangako Sa ‘Yo sa telebisyon na pagbibidahan ng number one love team ngayon na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ang apat na taong gulang noon na si Daniel ay napapanood lang ang Pangako Sa ‘Yo ninaKristine Hermosa at Jericho Rosales dahil ito raw ang seryeng sinusubaybayan ng mamaKarla Estrada at ng mga tito at tita niya.

“Nasusulyapan ko naman, hindi ko pa kasi naiintindihan noon,” kuwento ng binatilyo.

Dagdag pa, ”tapos ‘ayun, noong pinapanood ko ‘yung trailer, parang kailan lang, hindi mo alam ikaw na pala ‘yung susunod doon.”

Isipin mo Ateng Maricris, sa rami na ng naging love team ng ABS-CBN sa nakalipas na 15 taon ay si DJ pala ang mapipiling Angelo Buenavista.

At base sa trailer ng Pangako Sa ‘Yo ay marami ang kinilig sa eksenang walang damit pang-itaas si Daniel habang nakahiga sa balsa.

Nag mature na nga si Daniel dahil dati ay ayaw niyang naghuhubad ng T-shirt kasi patpatin siya noon at biglang tumaba.

Kaya naman laking gulat ng lahat nang magpakita na ito ng katawan.

“Totoo ‘yun. Sa totoo, wala pa akong ginagawa.

“Kaya kung napansin n’yo ‘yung higa ko roon medyo nakatakip ang kamay ko sa tiyan ko.

“Hindi, wala, wala talagang paghahanda.

“Nag-diet lang ako kasi noong ‘Crazy Beautiful You’, medyo lumaki ako roon.

“Kasi galing kami ng States noon, ‘di ba? ‘Tapos pagbalik ko nakita ako ni Direk Rory (Quinto), medyo nag-panic siya kasi sobrang taba ko.

“So nagpapapayat ako, sumakto naman sa taping, medyo pumayat na ako.

“Sa mga hubad-hubad ako, ‘yung ganoon? Hindi naman kasi ako masel-masel eh, talagang walang malisya ‘pag naghubad ako, ganoon,” kompinyansang kuwento ng batang aktor.

Totoo, walang malisyang inisip si DJ, ”oo, lumalabas naman siguro ‘yun, siyempre sa edad, lumalabas na lang. Minsan ‘yung mga dating ikina-o-awkward ko ngayon parang okey na. Parang okey na ako, ganoon,” nakangiting sabi ng batang aktor.

Kaya pala super ngiti si Kahtryn habang ikinukuwento ito ni Daniel dahil proud siya sa kanyang ka-love team.

Mapapanood na ang Pangako Sa ‘Yo sa Mayo 25 mula sa direksiyon nina Olive Lamasan, Dado Lumibao, at Rory Quintos mula sa Star Creatives.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …