Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katrina at Rhian, kapwa umibig sa babae

 

ni Roland Lerum

052015 katrina halili rhian ramos

KAPWA nasa tomboyserye sina Katrina Halili at Rhian Ramos at sabay silang nag-guest sa Startalk kamakailan. Nagkataon pa na pareho silang may sex video noon na pinag-usapan. Ngayon, pareho na silang dalawa na naka-move on. May natutuhan ba silang leksiyon sa nangyari sa kanila individually?

Ani Rhian, ”Sa nangyari sa akin noon, may mga taong iniwan ako, hindi na ako kinibo pero mayroon pa rin namang hindi umalis, tinulungan ako. Nakabuti rin in a way para sa akin ang nangyari dahil nakita ko kung sino ang tunay kong mga kaibigan. Nagpapasalamat ako sa GMA 7 dahil hindi nila ako iniwan. They still believe in me. Nagpapasalamat din ako sa family ko na hanggang ngayon, inaalalayan pa rin ako.”

“Hindi na ako parang awkward ‘pag nagkataon na makikita ko si Dra. Belo o si Dr. Hayden. After kaming magka-usap, basta nawala ang lahat ng sama ng loob ko, lalo na kay Hayden na isa ng born-again Christian. Of course, hindi pa nauulit ang pagkikita namin muli pero I am sure na hindi na ako magiging awkwand kung sakali man,” sambit naman ni Katrina.

Parehong umibig sa kapwa babae ang papel nina Rhian at Katrina sa bagong tomboyserye, hindi ba sila nag-aalangan noong una?

“Very challenging for me. Dahil lahat naman kami, ganoon din gaya ng kapartner ko rito na si Glaiza de Castro, hindi rin siya lesbian, pero kung nagawa niya na mag ala-tomboy eh, ‘di magagawa ko rin,” ani Rhian.

Sabi naman ni Katrina, ”It is just a role at challenging din ito para sa akin dahil kailangang ipasok kong mabuti sa katauhan ko ang karakter na ginagampanan ko. Nasa diskarte lang naman ng tao ‘yon, eh. ‘Pag napabilib mo ang nanonood sa iyo, ‘pag nakumbinse mo sila, tagumpay ka.”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …