Tuesday , December 24 2024

Michael Pangilinan, target ding makapag-concert sa Araneta!

020515 michael p

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWANG malayo na ang narating ng career ni Michael Pangilinan. Sa tatlong taon niyang pamamalagi sa industriya, marami-rami na rin siyang na-accomplish at maraming blessings ang dumating. Bukod sa kabi-kabilang shows here and abroad, tinatangkilik at kinakikiligan na rin ang kanialng grupong Harana na kinabibilangan din nina Marlo Mortel, Bryan Santos, at Joseph Marco.

Ang Harana ay binuo ng Star Music na mayroon na silang single, ang Number One na part ng OPM Fresh album, exclusive compilation ng newest at freshest artists mula Star Music.

Kung tutuusin may solo career na si Michael kaya nagtataka kami kung bakit napapayag siyang sumama sa Harana. “Marami akong natututuhan sa kanila, kasi may mga alam din sila na pwede ko pa ring i-apply sa akin. At saka ‘yung fan base, siyempre, nakikilala rin ako ng fans nila.

“Dati po may grupo na ako tapos hindi masyadong nag-click kasi hindi raw uso ang grupo, so ngayon nag-isip po ang ABS-CBN na parang baka pwedeng isama ako.

“And sabi ko naman po, wala namang masama na sumama ako and sabi naman po sa amin, may kanya-kanya kaming career at hindi naman makaaapekto sa independent career namin,” paliwanag ni Michael minsang makahuntahan namin siya bago sumalang sa isang singing engagement.

Naikuwento ni Michael na malaki ang naitulong sa kanyang singing career ang nagging pagsali niya sa Himig Handog 2014 P-Pop Love Songs at awitin ang Pare Mahal Mo Raw Ako na komposisyon ni Joven Tan.

“’Yun po talaga ang nagbigay ng maliit na pangalan sa akin,” anang binata. “At saka ‘yung ‘GGV’ (Gandang Gabi Vice) guesting ko, ‘yun po talaga, grabe. From 30,000 (followers) sa IG (Instagram) ko, 60,000 na po ngayon dahil sa GGV. And of course, nakatulong din ang Kris TV na araw-araw akong napapanood doon.”

Hindi rin nakalilimutan ni Michael ang show ni Kuya German Moreno, ang Walang Tulugan na aniya’y malaking utang na loob niya dahil ito ang unang pumansin sa kanya after ng X Factor Philippines noong 2011. Kaya naman kahit anong busy niya, hindi niya kakaligtaang hindi magtungo sa Walang Tulugan.

Super busy ngayon si Michael sa kabi-kabilang show bukod pa ang pagre-record ng 2nd album under Star Music. Mayroon nga siyang isang araw na tatlo ang show, mula 6:00 a.m. sa FEU Morayta, kasunod ang 4:00 p.m. sa Circle for DOH, at 6:30 p.m. para sa PLDT Gabay Guro. (Rito excited si Michael dahil first time silang magkikita ng kanyang tito na si Mr. Manny Pangilinan, ang big boss ng PLDT.)

At ang pinakamalaking blessings ay ang pagiging Front Act niya sa Pentatonics (an American a cappella group of five vocalists) na gagawin sa June 6 sa Araneta, at sa June 7 sa Waterfront Cebu naman.

Magiging front act din ang grupo nilang Harana ng Boyzone sa May 26 na gagawin ang concert sa Araneta Coliseum. At sa June 25 naman ay ang back to back concert nila ni Prima Diva Billy sa Music Box.

Masaya si Michael sa nangyayari sa kanyang career ngayon at isa lamang ang mahihiling niya, “Sana someday makapag-concert din ako sa Araneta Coliseum, tapos sa MOA Arena, then sa Philippine Arena.”

ni Maricris Valdez Nicasio

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *