Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, sobra-sobrang kinakikiligan ng fans; Marian, sumayaw pa rin kahit buntis

051315 Marian Rivera Daniel Padilla

00 SHOWBIZ ms mALAS-TRES ng hapon ang simula ng programa ng launching ng The Belo Beautiful, subalit as early as 12 noon ay marami na ang nagtungo sa activity area ng Trinoma para abangan ang kani-kanilang idolo lalo na ang paglabas ng apat na major beautiful endorser na sina Daniel Padilla, Anne Curtis, Marian Rivera, at Vice Ganda.

Dumating kami ng venue bago ang call time na 3:00 p.m. at medyo nahirapan kaming hanapin ang entrance at makapasok sa activity center dahil sa napakaraming fans na naghihintay. Hindi pa man lumalabas ang apat na major beautiful endorsers ay grabe na ang hiyawan ng fans lalo na ang kay Daniel. Nakabibinging hiyawan ang maririnig sa tuwing ipinakikita ang video ni Daniel gayundin kapag binabanggit ang pangalan niya.

Kaya nga sa mga ganitong programa nasusukat kung gaano karami at kasikat pa ang artista dahil sa lakas ng hiyawan at palakpakan. At doo’y pasok na pasok si Daniel na nakakaloka ang dami ng fans.

Carnival ang theme ng grand launch Belo 25, ang silver anniversary celebration ng Belo Medical Group kaya naman mala-carnival din programang inihandog nina Dra. Vicky Belo at ng kanyang anak na si Cristalle Belo Henares na nag-host ng hapong iyon kasama si Robi Domingo.

Si Anne ang nagsimulang nagbigay ng kanyang performance na walang takot na ipinarinig ang kanyang ‘enchanting voice’ sa pamamagitan ng mga awiting Chandelier ni Sia at All About That Bass ni Meghan Trainor habang nagsisirko-sirko at walang takot na ipinakikita ang mapuputing kili-kili. Sampung taon na palang inaalagaan ng Belo ang kanyang katawan, anang aktres.

Isang sayaw naman ang ibinahagi ni Marian na aniya, dahil sa pamamahal niya sa Belo at sa kanyang ninang na si Dra. Vicki, nagsayaw pa rin siya kahit buntis na.

Hindi naman magkamayaw at sobrang wild ang fans ng tinaguriang Ultimate Teen King na si Daniel lalo na nang kumanta na ito ng Hinahanap Hanap Kita. Tinagurian siyang Agent Belo Daniel na siyang nag-eendoso ng Belo Men Acne Control.

Isang buwis-buhay din ang inihandog ni Vice, na siyang finale number, sa pamamagitan ng kanyang Fly ni Nicki Minaj.

Tanging si Sarah Geronimo ang hindi nakarating sa grand launching ng Belo Essentials products tulad ng Underarm Beauty Duo, Belo SunExpert Ultragentle Sheer Spray, Belo Intensive Whitening Line, Belo Collagen, at Belo Men Acne Control.

In-extend naman ni Dra. Vicki ang pasasalamat at kasiyahan niya sa bawat isa na nakiisa sa launching na nagnanais na maging most beautiful country ang Pilipinas ayon na rin sa kanyang vision.

Ang grand show ay simula pa lamang ng maraming taong pagdiriwang ng magnificence at spectacular beauty creations ng Belo. Kaya nga basta Belo, tiyak na magiging maganda ka.

Congrats to Dra Vicki and Cristalle sa 25 taon na pagpapaganda sa mga lumalapit sa inyo. Sana’y marami pa kayong matulungan.

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …