Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacman, ililipat ang mga anak sa public school (Dahil sa pagkokorek sa kanyang Ingles…)

ni Ronnie Carrasco III

051315 pacman family

ANG inakalang bakasyon na rin ni Lolit Solis sa Amerika—kasabay ng kanyang assignment para mangalap ng balita tungkol sa ginanap na Pacquiao-Mayweatherfight kamakailan—turned out to be an ordeal.

Ayon sa isinama niyang staff ng Startalk na si Belinda Felix, kung tutuusin ay walking distance lang mula sa tinutuluyan nilang hotel ang MGM Grand, ang pinagdausan ng tinaguriang Fight of the Century. Pero mas pinili ni ‘Nay Lolit na mag-taxi.

Paano ba naman daw kasi, pinakamaaga na ang 11:00 p.m. kung umuwi sila mula sa tinutuluyan ni Manny at ng buong Team Pacquiao. May time pa nga raw na P3:00 am. na ay nasa kalye pa sila at nag-aabang ng taxi back to their hotel.

Worse, laging nakakalimutan ni ‘Nay Lolit na dalhin ang kanyang maintenance medicines.

But their trip was worth it all together, ani Belinda. Puring-puri kasi nila ang kagandahang-asal ng mga anak nina Manny at Jinky na magiliw na nakikipagtsikahan sa kanila.

Nasabi rin ni Manny kina ‘Nay Lolit na sa susunod na pasukan daw ay ililipat niya ang kanyang mga anak sa public from their exclusive school. Katwiran ng tatawa-tawang si Manny, ”’Pag nag-i-Ingles kasi ako, kino-correct ako ng mga anak ko!”

Samantala, marami naman ang nakapansin sa tila niretoke na ring mukha ng kambal ni Jinky na nagmukhang mas maganda pa kaysa kay Jinky mismo!

Well, what money can do. Sabi nga, kapag may pera ka, wala kang karapatang pumangit.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …