Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TNAP convention ng Puregold, magniningning sa rami ng mga artista

051315  Tindahan Aling Puring Puregold

00 fact sheet reggeeMAGKAKAROON ng Tindahan ni Aling Puring handog ng Puregold Priceclub, Inc ng Sari-Sari Store Convention na mangyayari ngayong Mayo 20 hanggang 24 sa World Trade Center, Pasay City.

Limang araw na walang katapusang saya para sa bawat miyembro ng TNAP program ng Puregold.

Sa nakalipas na 12 taon ay patuloy ang pag-ayuda ng Puregold sa mga negosyanteng Pinoy sa pagbigay sa kanila ng karagdagang kaalaman para lalo pa nilang mapalago ang mga nasimulang negosyo.

Tanging Puregold lamang ang nagbibigay ng sari-sari store at reseller packages sa mga maliliit na negosyanteng gustong pasukin ang ganitong nasabing negosyo mula sa kompletong business package para sa sari-sari store start-up o re-launch, kabilang na rito ang store design at promotion, technological assistance, crash course sa basic retail, at media exposure.

Kapuna-puna na ang mga sari-sari store owners mula Luzon, Visayas, at Mindanao ay pinagkakatiwalaan dahil sa affiliation nila sa Puregold at Tindahan Ni Aling Puring.

Isa sa major highlights ng convention ay ang official launch ng pinakabago at pinalakas na TNAP membership card na naglalaman ng bongga at eksklusibong benepisyo para sa mga miyembro nito. Libre at lifetime ang membership sa TNAP.

Bawat kasapi ay maaaring makakuha ng points sa bawat item na mabibili nila sa Puregold. Ang minimum purchase na Php200 ay may 1 point katumbas ng Php1.00. Ito ay maiipon at maaaring i-redeem sa lahat ng mga cashiers ng mga Puregold branches sa buong bansa.

Maaaring i-redeem ito sa loob ng dalawang taon sa kahit na anong Puregold branch saan mang panig ng bansa.

Magkakaroon ng ng access ang mga cardholders sa iba pang kapana-panabik na rewards at mga eksklusibong events.

Bilang karagdagang bonus para sa convention ngayong taong ito, kinuha ng Puregold ang mga naglalakihang artista ng bansa para lalong maging maningning ang nasabing convention kasama ang longtime endorsers na sina Joey De Leon, Jose Manalo, Ruby Rodriguez, Boy Abunda, at Vic Sotto.

Sina Vic, Jose, Ruby, at Joey ang opisyal na maglo-launch sa bago at pinalakas na TNAP membership card.

Maaari ring abangan ng mga TNAP members ang mga espesyal na performances mula kina Zsa Zsa Padilla, Dessa; sa mga sikat na batang artista tulad nina KC Concepcion, Maja Salvador, Julia Barretto, John Lloyd Cruz, at Diego Loyzaga, mga komedyanteng sina Giselle Sanchez,Ramon Bautista, Donita Nose, MC, Lassy, Chad Kinis, at Negi, kabilang din ang rock icons na Kamikazee, si Mitoy & The Draybers, at ang Parokya Ni Edgar; ang rapper na si Gloc 9, at Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.

Maaari ring matuto ng mahahalagang tips at methods ang mga miyembro mula sa mga libreng trainings at seminars mula sa mga esteemed negosyo gurus.

Gagantimpalaan din ng Puregold ang mga top purchaser nito ng mga fantastic prizes gaya ng one-minute shopping sprees, Puregold gift certificates, gadgets, at cash prizes. Ipakikita lamang ng mga miyembro ng Tindahan Ni Aling Puring ang kanilang membership card upang makasali sa convention ng libre.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang opisyal na website ng Puregold sa www.puregold.com.ph, i-like ang Puregold sa Facebook, i-follow ang @Puregold_PH sa Twitter, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …