Tuesday , December 24 2024

Lourd de Veyra, humahataw sa TV5!

051215 LOURD DE VEYRA

00 Alam mo na NonieISA si Lourd de Veyra sa pinaka-abala sa bakuran ng TV5. Mula sa pagiging bokalista ng mga bandang Dead Ends at Radio Active Sago at pagiging manunulat, mas aktibo siya ngayon bilang media practioner partikular sa larangan ng TV at radyo.

Ngayon ay anchor siya ng Aksyon sa Umaga at weather forecaster sa newscast na Ak-syon. Kabilang din saTV program niya ang History with Lourd, na isang weekly docu-program hinggil sa controversies, untold stories, at intrigues sa Philippine history na napapanood tuwing Wednesday, 10:30 PM.

Mayroon din siyang radio show titled Chillax tuwing Saturday, 9 PM sa Radyo5 92.3 NewsFM at ang pinakabago niyang show ang Kontrabando sa Digital5 na unti-unting nagiging popular lalo na sa mga kabataan dahil sa estilo ng paghahatid ng balita. Kasama rito ni Lourd sina Ramon Bautista, Jun “Bayaw” Sabayton, at RA Rivera.

Astig ang accomplishment ni Lourd dahil isa siyang four-time Palanca awardee. Walong libro na niya ang nai-publish, na dalawa sa pinaka-best sellers ang This is a Crazy Planets 1 and 2.

Pagdating sa awards sa larangan ng media, si Lourd ay itinanghal na Best Male News Anchor sa 13th Gawad Tanglaw Awards, Best Culture-Based Documentation Host para sa History with Lourd mula sa National Commission for Culture and Arts, at Outstanding Achievement in Broadcast Media (TV) sa 8th Hildegarde Awards.

In short, si Lourd ay isang multi-talented na nakasayad ang paa sa lupa at alam ang likaw ng bituka ng masa, kaya mas nasasakyan o naiintindihan siya nang marami. Hindi nakapagtataka na mayroon na siyang product na ine-endorse at patuloy na nagniningning ang kanyang karera.

“Never kong pinangarap mapanood ako sa TV. Kusang ibinigay ito sa akin at ine-enjoy ko lang habang may nanonood sa akin,” saad niya nang makapanayam namin siya recently.

‘Yung transformation mo bilang poet at nagbabanda, na napunta sa media, mahirap ba ‘yon? “Ang labo ‘no? Ngayon ko lang napag-isipan iyan. ‘Yung pagbabanda kasi, parang extension na rin ng pagtula, e. Pero eto, ibang-ibang animal ‘to e, ibang animal talaga ‘to e,” nakangiting saad ni Lourd na isang Journalism graduate sa UST.

Dagdag niya, “Mayroong ibang ano na naa-apply mo, ‘yung sense of rhythm mo, ‘yung sense of timing, iyong pagpili ng salita. Lahat naman ng sining kasi ay… Basta ang mahalaga lang, hindi dapat malalim, ang mahalaga ay naiintindihan ka (ng audience).”

Posible ba na ang 9th book mo ay tungkol naman sa bobotante, para naman ma-educate ‘yung mga tao na makapili na tayo ng totoong leaders.

“Libro yun e, ‘buti sana kung nagbabasa ‘yung mga ‘yun, e ‘di ba? Pero sa akin, magandang idea iyan, magandang idea iyan.

“Actually, eto ha, a reading audience is a thinking audience. So, the fact na ‘yung magkaroon tayo ng nation ng readers, iyon muna. ‘Pag nagkaroon ka nang ano na, bahagi ng consciousness nila ‘yung pagbabasa, sunod na ‘yung cri-tical thinking na iyan.”

Hindi kaya puwedeng i-post mo na lang sa Facebook page mo para libre lang, parang public service dahil iba rin ang impluwensiya mo sa ibang tao, ‘di ba?

“Puwede rin, pero marami nang nagsasabi kasi din ng ganyan, e. Pero sana, sana, (kung makaka-impluwensiya tayo).”

Anong masasabi mo na ikaw ang pinaka-busy sa TV5 ngayon? “Ako ba? Happy and sobrang thankful ako sa network. Ang bait ng network. Buti nga nagtitiwala e. Masarap maging kapatid.”

Parang ikaw ba ‘yung version o katapat nina Kuya Germs at Kuya Kim sa TV5?

“Baka ako ‘yung ano, ako ‘yung… ano ba, wala ako maisip, e? Hindi ko alam e, mahirap, icons na ‘yung mga ‘yun e. Paarang ang layo-layo ko pa roon sa status nila.

“Ang layo ni Kuya Kim sa akin, institusyon na iyang si Kuya Kim, e.”

So, darating din kaya yung tatak mo sa TV5 na ginagawa mo pa lang ngayon? “Basta ako, trabaho lang muna. Pero sana, sana ay maging ganoon,” nakangiting saad ni Lourd.

 

 

ni Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *