Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice, magpapalagay sana ng suso kung hindi lang pinagbawalan

 

051215 vice ganda

00 fact sheet reggeeANG production number ni Vice Ganda ang pinaka-highlight ng launching ng Belo Essentials na isinabay na rin sa 25 Beautiful Years of Belo sa pangunguna nina Anne Curtis, Marian Rivera-Dantes, at Daniel Padilla sa Trinoma Activity Center noong Sabado at nagsilbing hosts naman sina Robi Domingo at Cristalle Belo Henares.

Ine-endoso ng TV host/actor/singer ang Belo Intensive Whitening sa loob ng apat na taon at inamin na ito raw ang nagpakompiyansa sa sarili niya.

Hindi na raw masyadong nagpapawis ang kili-kili ni Vice dahil nagpa-botox siya.

Habang sumasayaw si Vice ay napansin namin na ang laki ng balakang niya kaya natanong namin pagkatapos ng production number niya kung nagpadagdag siya, “oo naman, hindi ko naman ito ide-deny.”

Kili-kili at hips na lang daw ang ipinagawa ni Vice dahil pinagbawalan siya ng ABS-CBN management.

”Pinagagalitan nga ako ng mga bosses, sabi, ‘Tama na ‘yung ganyan, ha?

“‘Huwag na ‘yung magpaganda hindi ka puwedeng magpagawa ng ilong, hindi ka puwedeng magpalagay ng kung ano-ano.

“Oo, kasi komedyante ka, eh, stick to your core.

“Hindi naman iyan ang ibinebenta mo at ang binibili sa iyo ng mga tao.

“Hindi kailangang magandang-maganda ka, tama na iyong pleasant ka, mukha kang malinis.

“Kahit nga gusto kong magpalagay ng suso, hindi puwede.

“Kasi rati gusto kong magpasuso, eh.

“Dati ‘yun sa ‘Girl, Boy, Bakla, Tomboy’, parang gustong kong magpalagay ng dede para roon sa role, tapos tatanggalin ko na lang ulit after. Ayaw nila, hindi ako pinayagan,” pag-amin ng komedyana.

Napag-usapan din ang tungkol sa nalalapit niyang 15th year anniversary concert sa Smart Araneta Coliseum sa Mayo 22 na may titulong Vice Gandang-Ganda Sa Sarili sa Araneta: Eh di Wow!

“High-tech, siyempre ‘pag high-tech ang daming effects na gagamitin namin na mga makabago. ‘Yung mga nakikita natin abroad na shows, in-adapt namin ‘yung ibang techniques,” kuwento nito.

“Ito ‘yung first time na mangyayari sa local concert scene na ang stage nasa gitna ng Araneta parang Super Bowl.

“‘Tapos walang backdrop, bilog lang siya. Kaya ang mangyayari it’s either nasa ere o nasa lupa, ganoon ang mga eksena. Kitang-kita ako kasi nasa gitna ako eh, lahat nakapaligid sa akin,” kuwento ni Vice.

Sobrang mahal daw ng concert niya na nag-abono pa siya.

“Mahal, kasi overbudget na kami. May mga production dito na nag-abono na ako para huwag lang matanggal.

“Sabi ko, ‘Sige, ibawas na lang sa talent fee ko. Kasi ‘pag natanggal ‘yung ibang effects, parang sayang, kasi ‘yun ang mga pinangarap kong gawin, na rito ko lang magagawa sa Araneta, sa big concert.

“‘Pag hindi ko ito nagawa ngayon, hindi ko alam kung magagawa ko pa. Kasi kung sa susunod pa, baka malaos na or magawa na ng iba,” kuwento pa.

Ano naman masasabi ni Vice na siya ang Most Influential Celebrity sa showbiz ngayon kaya paano niya ito napapanatili?

”Sa showbiz? Hindi ko naman masasabing ako, pero kasi sa Yahoo noong naglabas sila ng 2015 o 2014, ‘yung Most Influential Netizens, ako ‘yung cited nilang Most Influential Celebrity sa social media.

“Parang sa broadcasting si Kuya Kim (Atienza) and Karen Davila, tapos mayroon sa sports, ako ‘yung parang sa overall na binigyan nila ng citation.

“Hindi ko kasi masyadong iniisip ‘yung ganoong title, na ako ang Most Influential, kaya dapat ganito ang lumalabas sa isip ko, ganito ang lumalabas sa bibig ko.

“Eh, ang ano ko naman ang core ko kasi naa-appreciate ng tao ‘yung sincerity ko.

“Ayoko yung masyadong sinasadya na kailangan tama lagi, ‘yung ganoon na kahit hindi na natural, hindi na tama, hindi na totoo, ‘yun lang.

“Kaya ang ine-express ko lagi sa tao ‘yung totoong nararamdaman ko kaya may halong sincerity, authentic siya, hindi siya for show o para makapagpa-impress lang,” paliwanag ni Vice.

Ikaw Na, Vice!

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …