ni Vir Gonzales
MARAMI ang nag-abang sa labas pa lang ng Cinema 4 sa Ever Gotesco sa Commonwealth, Quezon City sa panauhing imbitado sa premiere showing ng Guardian 357 na idinirehe niFernando Caribio.
Hinihintay kasi ng mga tagahanga at co-stars sa said movie ang pagdating ni Isabel Granada, ang bida sa pelikula. Naroon na sina Jess Sanchez, Jhun Aguil, Star Benedicto at ang bagong bida na si Fernando.
Maganda ang mensahe ng movie.
Kaya lang nagtataka ang mga press peole na dumalo kung bakit inisnab ni Isabel ang kanyang pelikula? May nagsabing, malayo raw kasi ang bahay ni Isabel na sa Angeles City pa nakatira. Tinamad siguro sa layo ng lugar.
Sayang pinupuri pa naman ang acting niya.
***
Personal…Happy Fiesta sa mga taga-Baliuag Bulacan…Happy Birthday Nora Aunor—May 21 at Barbara Milano—May 26.