Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Herbert, bilib sa galing ni Maricel Soriano

051115 Maricel Soriano Herbert Bautista

00 Alam mo na NonieBALIK ViVA Films si Quezon City Mayor Herbert Bautista. Ang naturang kompanya na ang muling hahawak ng showbiz career ni Mayor Herbert, kaya mas maaalagaan ang kanyang pagiging actor.

“I’m back home, back home to Viva films,” panimula ni Herbert sa ginanap na contract signing niya para sa Viva Films recently.

“Bale ang contract na pinirmahan ko ay five years na managerial contract, tapos apat na pelikula sa loob ng tatlong taon,”dagdag pa niya.

Nagpahayag din siya ng kagalakan na mu-ling makatrabaho si Maricel Soriano sa pelikulang Lumayo Ka Nga Sa Akin.

“Masaya, masaya. Kaya lang inaaabot kami ng gabi dahil horror e. Lahat ng mga kalokohang horror na kilala natin, yung mga tipong Feng Shui, mga ganoon, makikita rito.

“I think nag-second day na kami or third day na kami ni Ate Cel. So hopefully, by the end of May tapos na. Only on a weekend lang kasi ang shooting namin, e.”

Kamustang katrabaho si Maricel?

“Walang nagbago sa kanya, mula pa noon hanggang ngayon ay ganoon pa rin siya. Maga-ling pa rin. Nanalo siya recently lang ng Best Actress sa Golden Screen Awards, e.

“Nagkasama kami sa movie noong child actor and actress pa kami sa Oh My Mama ng Regal Films. Si Maricel iyong Mama, ate namin siya. Ngayon, dito sa Lumayo Ka Nga Sa Akin ay mag-asawa naman kami. Isa itong horror-comedy, kaya naiiba naman ito.

“Happy ako dahil si Ate Cel talaga ang nag-recommend kay Boss Vic (del Rosa-rio) na magkasama kami sa project na ito. Happy ako na makasama ko siya ulit, dahil ang dami kong natutunan sa kanya bilang artista,” nakangiting esplika pa ng mayor ng QC.

ni Nonie V. Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …