Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangs Garcia, hindi aalis sa ABS CBN

051115 Bangs baby go

00 Alam mo na NonieKAHIT wala nang kontrata si Bangs Garcia sa ABS CBN at lumalabas siya ngayon sa TV5, wala raw siyang balak iwan ang Kapamilya Network para lumipat sa Kapatid Network.

“Lagi akong kinukuha ng Mac & Chiz, hindi ko nga rin alam kung bakit. So, buong month of May ay nandoon po ako sa Mac & Chiz.

“Pero, hindi ako aalis ng ABS CBN. Malakas ang Viva sa ABS, eh. And according to Viva, they want me to stick with ABS. They don’t want me to transfer to other networks,” saad ni Bangs.

Samantala, sa story conference ng BG Productions International para sa pelikulang Tupang Ligaw na pinagbibidahan nina Matteo Guidicelli, Bangs, Paolo Contis, Rico Barrera at iba pa, inusisa namin ang tole ng aktres sa naturang pelikula.

“Iyong role ko rito ay GRO, pero may action scenes ako rito. Ready naman ako sa mga ganyang eksena, nag-aral naman kasi ako ng Wushu.”

Sinabi rin ni Bangs na gusto ni-yang maglie-low sa pagpapa-sexy at su-mabak naman sa drama at action. Sa TV, mas okay daw sa kanya ang Rom-Com o romantic comedy.

“Originally ay kinukuha ako ng ABS sa Pasion de Amor, pero kasi ay masyadong sexy ‘yung role. So… lie low muna kasi ako sa mga sexy na role. Gusto ko nga muna ay mag-focus sa romantic comedy, kung magkakaron ako ng TV show, ganoon ang gusto ko sana.”

Ibig bang sabihin nito, hindi na siya tatanggap talaga ng sexy roles?

“Actually po, honestly, sa pag-sign ko sa Viva ay hindi po namin inisip na magfo-focus sa pagpapa-sexy. Kasi I think I have proven my self in that genre for a long time already, e. Ayaw kong maging redundant.

“So, gusto ko ay focus talaga muna ako sa drama ngayon and action. Gusto ko kasing maging versatile.”

 

ni Nonie V. Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …