Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms. Baby Go, proud sa mga pelikula ng BG Productions

050815 baby go bang garcia

00 Alam mo na NonieIPINAGMAMALAKI ni Ms. Baby Go ang mga pelikulang nakatakda na naman nilang gawin. Kasalukuyan nilang niluluto ang dalawang proyekto, ang Tupang Ligaw at Tres Marias.

Ipinahayag ng lady boss ng BG Productions International na si Ms. Baby na itinuloy nila ang pagsasapelikula ng Tupang Ligaw, ngunit nagpalit sila ng cast nito. Hindi raw kasi puwede ang dating gaganap na bida rito dahil sa pagiging abala sa kanyang business, kaya ang BF ni Sarah Geronimo na si Matteo ang kinuha nila para maging bida rito. Kabilang din sa cast sina Bangs Garcia, Rico Barrera, Francis Ryan Lim, Paolo Contis at iba pa.

“Very proud ako at nag-een-joy ako sa ginagawa ko, masaya ako,” saad ni Ms. Baby. Dagdag niya, “Hopefully, mga pang-awards na movie ito. Kasi, ang gusto talaga natin ay makapagbigay ng aral sa viewers. Kaya ang mga pelikulang ginagawa namin, mga adbokasiya talaga.”

Ang Tres Marias naman ay kuwento ng tatlong kabataan na matalik na magkakaibigan na kapwa nabuntis at nagsipag-asawa sa murang gulang, sina Aleta, Suzette, at Rosanna. Sila’y nakatira sa isang isla na walang eskuwelahan at malayo sa sibilisasyon. Sa lugar nila, kapag tumungtong sa edad na eighteen ang isang babae na wala pang asawa, itinuturing na nila ito bilang isang ‘matandang dalaga.’

Si Joel Lamangan ang direktor nito at pinili nila ng BG Productions ang mga child actress na mahuhusay. Gaganap bilang Tres Marias, sina Barbara Miguel (Best Actress sa 8th Harlem International Film Festival-Nuwebe), Angelie Nichole Sanoy (bida sa Magic Palayok at nanalo ng Breakthrough Performance sa Golden Screen Awards para sa Patikul) at Therese Malvar (Best Actress sa 1st Cine Filipino Film Festival).

Bukod sa Tupang Ligaw at Tres Marias, tapos na rin nilang gawin ang Homeless na tina-tampukan nina Ejay Falcon, Snooky Serna, at iba pa. Katatapos lang din ng Child Haus nina Miggs Cuaderno at Therese Malvar, pati na ng pelikulang Dalu-yong na pinagbibidahan naman nina Allen Dizon, Diana Zubiri, Aiko Melendez, Eddie Garcia, Ricky Davao, at iba pa.

Patunay lang ito sa ipinahayag noon na commitment ni Ms. Baby sa showbiz industry na makagawa ng matitinong advocacy films at makatulong magbigay ng trabaho sa mga taga-industriya ng pelikula.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …