Thursday , June 4 2026

2 lady cop hinipuan ng judge

050815 court guilty

LEGAZPI CITY – Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness ang isang judge sa lalawigan ng Albay.

Kasunod ito ng panghihipo sa dalawang policewoman na ginawa niyang security aide.

Kinilala ang huwes na si Judge Ignacio Barcillano Jr. ng RTC Branch 13, Ligao City.

Sa impormasyon, nasa impluwensiya umano ng alak ang opisyal nang ipatawag ang dalawang biktima sa kanyang opisina.

Habang nasa loob, ipina-surrender niya ang mga armas sa kanya at nang hawak na ang mga baril, agad ikinasa ang isa sa harap ng dalawang babaeng pulis na sina alyas Janel at Jessie.

Pagkaraan ay hinipuan ng judge ang dalawa sa maseselang bahagi ng katawan. Agad nakapagsumbong sa kanilang opisyal ang dalawang pulis at mismong ang PNP regional director sa Bicol ang nag-utos na magsampa ng kaso laban sa judge.

Tahimik ang kampo ng huwes sa akusasyon laban sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …