Monday , December 23 2024

Abiso sa SM Group, Ayala Land, at SMC: Mag-ingat sa pag-bid sa ‘payanig’ property

050815 Auction Bidding land PCGG

NAPABALITA kamakailan na isusubasta ng Philippine Commission on Good Governance (PCGG) ang 18.5 ektaryang lupain na dating kinatatayuan ng ‘Payanig sa Pasig.’

Naakit nito ang interes ng malalaking kompanyang kagaya ng SM Group, Ayala Land, at San Miguel Corporation.

Kaugnay nito inaabisohan sila ng abogado ng isa ring kompanya na mag-ingat at i-review ang kanilang mga compliance and due diligence guidelines.

Ayon kay Dennis Manalo, abogado ng BLEMP Commercial Philippines, dapat tiyakin muna ng mga kompanyang ito kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng nasabing lupain bago sila lumahok sa bidding.

“Sa madaling salita, hindi maaaring ibenta ng PCGG at ng pamahalaan ang lupain na hindi naman nila pag-aari,” sabi ni Manalo.

Upang bigyang-diin ang kanyang punto, naglahad ng sumusunod na mga tanong at sagot: “May hawak bang mga balido at original na titulo ang PCGG para sa buong 18.5 na ektarya? Ang sagot ay wala sapagkat BLEMP ang may hawak ng mga iyon.

“Mayroon ba silang Deeds of Absolute Sale na pirmado ng mga nakaraang may-ari?

Wala rin dahil nasa BLEMP din ang mga iyon. Nagbabayad ba ang PCGG ng Real Property tax para sa lupaing iyon? Hindi rin. Pero mula pa noong dekada otsenta hanggang ngayon, BLEMP ang talagang nagbabayad nito,” giit ni Manalo.

”Dapat bang gastusin ng mga publicly-listed na kompanya kagaya ng SM, Ayala, at SMC ang P16.45 bilyong pera ng kanilang mga shareholder para sa isang kaduda-dudang subasta ng PCGG? Sa tingin ko, hindi dapat,” dagdag ng abogado.

Matapos basbasan ng Privatization Council na isapubliko ng PCGG ang mga imbitasyon para sa subasta ng ‘Payanig’ kaagad nagsampa ang BLEMP ng kasong graft laban sa mga miyembro ng Privatization Council at PCGG, kabilang sina Finance Secretary Cesar Purisima, PCGG chairman Andres Bautista, at Justice Secretary Leila De Lima.

“Ang ‘Payanig’ property ay pag-aari ng pribadong sektor at hindi pa naidadaan sa kahit anong sequestration proceedings ng gobyerno,” paliwanag ni Manalo. “Ngunit mukhang ginagamit ngayon ng PCGG ang mga lehitimo at respetadong kompanya kagaya ng SM, Ayala, at SMC para bigyan ng kahit kaunting kredibilidad ang pagbenta sa lupaing hindi naman kanila.”

Ayon sa imbitasyon na ipinadala ng PCGG sa mga interesado sa subasta, malinaw namang nakasaad na ang ‘Payanig’ ay ibenebenta sa kondisyong “as-is-where-is” na ibig sabihin ay sasaluhin ng sino mang mananalo sa subasta ang lahat ng mga nakabinbing kaso at kaguluhan na kakabit sa lupa.

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *