Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakit nga ba lumipat ng Kapatid Network si Janno?

050715 JANNO Gibbs

00 fact sheet reggeePASOK si Janno Gibbs sa bagong game show ng TV5na Happy Track ng Bayan na mapapanood tuwing tanghali ng Linggo kasama sina Jasmine Curtis Smith, Mariel Rodriguez, Ogie Alcasid, Kim Idol, Derek Ramsay at iba pa.

Nagkaroon ng workshop para sa staff at hosts ng Happy Track ng Bayan pero hindi nakasipot sina Mariel dahil nasa Hongkong para sa taping ng Happy Wife, Happy Life, si Jasmin ay maysakit daw, sina Janno at Derek ay hindi naman namin nakuha ang dahilan.

Naisip namin na baka hindi nagising ng maaga si Janno kaya hindi nakasipot?

Sa wakas, buo na ulit ang Small Brothers nina Ogie at Janno na nagsimula sa biruan sa GMA7 hanggang sa nag-click at sineryoso na ng dalawang celebrity na naging titulo pa ng kanilang concerts dito at sa labas ng bansa.

Nang lumipat si Ogie sa TV5 ay nalungkot si Janno pero aniya ay hindi niya iiwan ang Kapuso Network dahil maganda naman ang trato sa kanya.

Pero bakit biglang lumipat na si Janno sa Kapatid Network? Hindi na ba maganda ang trato sa kanya sa GMA?

Anyway, sana maging ‘happy’ si Janno sa paglipat niya sa TV5 para maging maganda ang track record niya sa bayan dahil lagi siyang nasasabihan ng late kasi hirap siyang gumising ng maaga.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …