Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tessie Lagman, happy sa pagbabalik-radyo

050615 Tessie Lagman

00 Alam mo na NonieISA si Ms. Tessie Lagman sa mga beterana pagdating sa radio ang pag-uusapan. Four years from now, fifty years na siya sa larangan ng radio.

“Nag-start ako sa Tarlac pa, fresh high school graduate pa lang ako. Pero dito sa Manila, late 1969 ako nag-start sa DWOW,” saad ng lady broadcaster.

“Pero there were years na tumigil din ako for domestic reasons, naging asawa at nanay,” nakatawang dagdag pa niya.

Sinong mga radio personality ang nakatrabaho na niya?

“Magkakasama kami dati nina Ike Lozada, Joey de Leon, Manolo Favis, Eddie, Ilagan at Uncle Nick David sa DWOW radio. Sa DZXL naman, naging titser ako sa Operetang Putol-Putol ni Johnny de Leon. After Martial Law nalipat kami sa DZBB at nakasama ko naman si German Moreno.”

Sino ang naging mentor niya sa radio? “Ay, parang I grew up dreaming to be one, pero ma-dami akong dapat pasalamatan tulad ni Ric dela Rosa, Johnny de Leon…”

Sinabi rin niya ang nagbigay ng break sa kanya sa radyo. “Si Ric dela Rosa kasi ang tumulong para ma-ging regular ako sa DWOW, kasama nga pala si Lito Balquiedra. Tapos, si Johnny de Leon naman, siya ang producer ng Operetang Putol-Putol. Parang na-discover ako noong sumali ako sa Tawag ng Tanghalan ni Rod Navarro.”

Sa ngayon, happy si Ms. Tessie sa kanyang pagbabalik radyo. Napapakinggan siya sa DZRM 1278 AM every Saturday, 8 to 10 pm sa programang Sama-Sama Salo-Salo. Kasama niya rito sina Dolly Favorito, Danilo Jurado, Baby Cora Bautista, Cenen Garcia, Tony Suvega (Fengshui master), Ray Lucero at Eddie Suarez ng grupong Mabuhay Singers.

Mapapanood din si Ms. Tessie sa pelikulang Butanding na tinatampukan nina Lou Baron, Lara Quigaman, Rey PJ Abellana, at iba pa, sa direksiyon ni Ed Palmos.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …