Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nangotong ng pang-inom nirapido sa sugalan

041815 dead gun crime

PATAY ang 36-anyos lalaki nang magwala sa isang sugatan dahil hindi binigyan ng pang-inom kamakalawa ng gabi sa Binondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Rolando Oltiano, sidecar boy, residente ng Soler St., Creekside, Binondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO2 Teddy Lim, ng Meisic Police Station (PS 11), naganap ang insidente dakong 11:15 p.m. sa creekside ng Soler St., Binondo.

Salaysay nang nakasaksi na si Cherelyn Casuse, nagtungo sa sugalan ang biktima na lango sa alak at humihingi ng P20 tong sa suspek na kinilalang si Vicente Casuco alyas Lito, 45-anyos, may asawa, family driver/bodyguard, ng 886 J, Room 402, Alvarado St., Binondo na noon ay nagsusugal ng tong-its.

Pinigilan ng saksi ang biktima sa pangungulit nang biglang naglabas si Oltiano ng balisong at itinutok kay Casuse.

Binalaan ng suspek ang biktima na itigil na ang ginagawa kundi ay babarilin niya si Oltiano. Pagkaraan ay inilabas ni Casuse ang kanyang baril at tinadtad ng bala sa ulo at katawan ang biktima. Pinaghahanap na ng mga awtoridad sa pangunguna ni SPO3 Glenzor Villejo ng Crime Against Persons Investigation Section, ang suspek na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

(LEONARD BASILIO, may dagdag na ulat sina MARY JOY SAWA-AN, DARWIN MACALLA, at JOSHUA MOYA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …