Saturday , April 27 2024

Kelot kritikal sa sumpak 2 bebot nadamay

081714 crime scene yellow tapeKRITIKAL ang kalagayan ng isang lalaki habang tinamaan ng shrapnel ang dalawang babae nang sumpakin ng dalawang suspek na sinasabing gumagamit ng droga sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMC) ang biktimang si Jose Romero, 31, ng Panday Pira St., Tondo Maynila.

Habang isinugod sa Universit of Santo Tomas Hospital ang mga biktimang sina Maria Elena Rontos, 26, ng San Sebastian St., Tondo; at Erikca Joven, 18, ng Geron St.,Tondo.

Samantala, tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Jeremy Norada, at Gilbert Matias, nasa hustong gulang, na pawang residente ng Romualdez St., Tondo, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Sa ulat kay Supt. Redentor Ulsano, station commnader ng PS 1 Raxa Bago ng Manila Police District, dakong 9:51 p.m. nang maganap ang insidente sa Romualdez St., Tondo.

Nakatayo ang mga biktima sa lugar nang ilabas ng supsek ang kanyang sumpak at walang sabi-sabing pinaputukan si Romero na ikinadamay ng dalawang babae.

Hinihinalang droga ang motibo sa panunumpak nang mapag-alaman na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang dalawang suspek.

Leonard Basilio, may dagdag na ulat sina Mary Joy Sawa-An, Darwin Macalla at Joshua Moya

 

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *