Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Team Mojack, patok ang basketball game sa Tarlac City

050415 Mojack

00 Alam mo na NonieMATAGUMPAY ang ginanap na basketball game ng grupo ng singer/comedian na si Mojack Perez sa Tarlac City na hatid ng alkalde nitong si Mayor Ace Manalang. Star-studded ang grupo ni Mojack na bukod sa kanya ay kinabibilangan nina Jestoni Alarcon, Bong Hawkins, Joross Gamboa, Joseph Bitangcol, Gene Padilla, Onyok Velasco, Manny Paksiw, at Marco Alcaraz.

“Iyong game namin sa Tarlac City Plauzuelo ay hatid po ng Mayor ng Tarlac na si Mayor Ace Mana

lang. Ang nakalaban po namin ay ang mga market vendors at sa pagtatapos ng laro ay kami po ang nagwagi sa score na 55 – 44.

“Si Onyok ang highest pointer sa amin, magaling siyang maglaro. Magaling siya hindi lang sa larangan ng boxing, kundi pati sa basketball na rin at sa 3-pointers.

“First to third quarter ay seryoso po ang at sa fourth quarter na ang kengkoyan,” nakatawang kuwento sa amin ni Mojack.

Dagdag pa niya, “Si Kuya Bong (Hawkins), easy-easy lang siya, kasi ‘di naman po talaga dikdikan ang ligang ito, larong one time lang.

“Importante rin na marami kaming napasayang mga tao roon.Ang mga kasama ko kasing celebrity, mababait sila at kahit pawisan ay okay lang kung may magpa-picture, even during the games, okay lang sa kanila.

“Nagkaroon pa po kami ng motorcade, kaya totally happy kaming lahat, kasi walang stress na nangyari. At salamat kay Nanay Chad dahil kahit pagod, todo suporta siya sa amin. Sabi nga ni Mayor Ace, ‘Ito ay katuwaan lang, para maging masaya tayo, narito ang mga celebrities na maglalaro ng basketball… at ang kanilang mga kalaban ay ang mga kababayan nating market vendors. Kaya lubos akong natutuwa dahil sa suporta ng ating mga bisitang celebrities.’

“After niyon, game na kami at enjoy po talaga. Abangan nyo po ang susunod pa naming games sa ibang lugar,” nakangiting saad pa ni Mojack.

Bukod sa pagiging entertainer, napapakinggan din si Mojack sa sarili niyang radio program sa Brigada News FM 104.7 every Sunday, from 4 to 7 pm sa programang Magpa-MP, kasama niya rito si Manny Paksiw.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …