Sunday , December 22 2024

Walang blackout knockout meron – Meralco

050315 pacman floyd brownout

WALANG mararanasang “blackout,” “knockout” lang.

Ito ang siniguro ng Manila Electric Corporation (Meralco) sa bakbakan ni Rep. Manny Pacquiao at American undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. ngayong araw.

Ayon kay Rolando Cagampan, senior vice president at head ng energy department ng Meralco, walang mararanasang brownout sa kalakhang Maynila sa pinakaaabangang “Battle for Greatness.”

Paliwanang niya, mas mababa ang demand ng supply ng koryente sa Linggo sa 20 hanggang 25 percent ngunit mas mataas ng 10 percent kapag may laban ang kongresista.

Siniguro niya na ang pagtaas ng demand ay kaya nilang tugunan at nakaantabay ang kanilang mga emple-yado kung makararanas man ng power shortage ang i-lang lugar.

Pagtitiyak niya, kahit magkaaberya ang pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), wala itong epekto sa power distribution ng Meralco at mananatiling ligtas ang kanilang mga pasilidad.

Habang siniguro ni outgoing Energy Secretary Carlos Jericho Petilla, may sapat na supply ng koryente ang Luzon at Visayas grid.

Sa Mindanao, hindi itinanggi ni Alsons Consolidated Resources vice president Joseph Nocos na posibleng makaranas ang ilang isolated na lugar ng brownout.

Gayonman, inihanda na nila ang ilang generator sets nang sa gayon ay makapanood ng laban ang lahat ng mga residenteng nasa malalayong lugar sa Mindanao.

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *