Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 kelot kalaboso sa damo at boga

050215 suspek arrest gun marijuana ermita

TATLONG SABOG TIMBOG. Nadakip ng mga tauhan ni Sr. Insp. Robert Bunayug ang tatlong suspek na sina Zarwin Hernandez, Jeff Contreras, at Jerickson Castro, pawang sabog sa marijuana, habang lulan ng Mitsubishi Lancer sa kanto ng Adriatico St. at Malvar St, Ermita, Maynila makaraan magpaputok ng baril sa na-sabing lugar. (BONG SON)

ARESTADO ang tatlong lalaki makaraan magpaputok ng baril sa Ermita, Maynila kahapon.

Nakapiit na sa Ermita Police Station 5 ang mga suspek na sina Zerwin Hernandez, Jeff Contreras, at Jerickson Castro, pawang 21-anyos, residente ng Antipolo Street, Gagalangin, Tondo, Maynila.

Ayon kay Supt. Albert Barot, hepe ng Ermita Police Station 5, dakong 8 a.m. nang maaresto nina Senior Insp. Robert Bunayug, Pedro Gil PCP commander, SPO3 Benson Magpantay, PO3 Christopher Javonillo, at PO2 Canda Victor ang tatlong suspek lulan ng Mitsubishi Lancer (LES 333) sa Adriatico St. kanto ng Malvar St., Ermita, Maynila .

Nauna rito, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng pulisya na may nagpaputok ng baril sa nasabing lugar.

Agad nagresponde ang mga awtoridad ngunit nang makita ang mga pulis ay mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng Mitsubishi Lancer.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek at nasukol sa sa kanto ng Adriatico at Malvar streets, sa Ermita, Maynila.

Nakompiska ng mga pulis mula kay Hernandez ang .45 kalibre ng baril at dalawang plastic sachet ng marijuana. (LEONARD BASILIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …