Saturday , November 23 2024

Walang karapatan ang China sa teritoryo natin

00 bullseye batuigasNOONG Huwebes ay hinamon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang China na magpakita ng katibayan at mga larawan sa paratang na ang Pilipinas ay nagsasagawa rin ng sariling reclamation activities sa West Philippine Sea (South China Sea).

Ayon kay AFP chief Gen. Gregorio Catapang, nakatitiyak siya na wala tayong ginagawa sa naturang lugar, maliban sa panatilihin doon ang ating presensiya.

Kayang-kaya raw sanang ayusin ang ating airstrip sa Pag-asa, ang pinakamalaking isla natin sa Spratlys, pero minabuti nating huwag muna itong gawin hanggang hindi nadedesisyonan ng International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) ang kaso na ating isinampa laban sa China kaugnay ng pang-aagaw sa ating teritoryo.

Ayos lang sana ito kung kapwa tumigil sa pagre-repair o pagtatayo ng kung ano man ang Pilipinas at China bilang paggalang sa ITLOS at paghihintay sa kanilang desisyon. Ang masaklap dito, habang idinaraan natin sa legalidad at pagrereklamo ang kawalanghiyaan ng China, patuloy naman sila sa pagtatayo ng mga estruktura sa pinagtatalunang karagatan.

Ang patuloy na pamemerhuwisyo ng China sa pag-angkin sa ating teritoryo, na pati ang mga kababayan natin ay inalisan ng karapatan na mangisda sa sarili nating karagatan, ay malaking kagaguhan.

Kung halimbawang totoo ito na may reclamation din tayo ay walang masama. Kahit ano man ang gawin natin sa sarili nating teritoryo ay maaari nating gawin, dahil sa atin ito. Dapat manahimik ang China dahil wala sila ni katiting na karapatan sa ating karagatan.

Pero baligtad na ang sitwasyon dahil tayo pa ang naninimbang at de-numero ang ikinikilos sa sariling teritoryo, upang hindi magalit sa atin ang mga damuhong Intsik.

Noong araw, naglalagay pa lang ng marker sa dagat ang mga hayup na iyan ay pinasasabog agad natin ang inilagay nilang tanda. Alalahaning bahagi ng tungkulin ng ating militar ay ipagtanggol ang ating bansa laban sa mga dayuhang ibig sumakop sa atin.

Pero ngayon, lumaki ang ulo ng mga damuho nang makitang hindi tayo makapalag kahit na ano pang kawalanghiyaan ang gawin nila sa atin. Umabot na sa 311 ektarya ang lawak ng ecosystems na kanilang sinira sa Spratlys nang kanilang tabunan ang ating mga reef o bahura sa pagtatayo ng kanilang mga estruktura at instalasyon.

Kung sa simula pa lang ay ipinakita na natin sa walanghiyang China na kahit maliit ang Pilipinas ay handa nating ipaglaban sa mga higante at mapang-aping bansa, mga mare at pare ko, ay hindi makapoporma ang mga buwaya at animal na iyan sa atin.

Tandaan!

**

PUNA: “Darating ang panahon na tuluyan na tayong masasakop ng China. Nag-uumpisa na sila ngayon sa West Philippine Sea. Halos lahat ng negosyo sa bansa natin pagmamay-ari ng mga Intsik. Malaki na rin ‘yong mga lupa na nabili at pag-aari nila. Sila na ang kokontrol sa buhay nating mga Pinoy. Magiging alipin tayo sa sarili nating bansa.”

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

 

ni Ruther D. Batuigas

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *