Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BB, susubukang gawing lalaki ng TV5

 

ni Roldan Castro

043015 bb gandanghari

HINDI totoong may tampuhan na naman sina Robin Padilla at BB Gandanghari kaya wala ang huli sa TV5’s presscon para sa second season ng 2&1/2 Daddies.

“Tapos na ang kabaduyan naming dalawa,” deklara ni Robin.

“Yakap na yakap na po namin ang kanyang pagiging babae. Wala na pong hadlang sa aming puso.Wala pong ganoong dahilan ngayon kung bakit wala po siya rito,”paliwanag ni Binoe.

“Malaki ang naitulong ng show para lalong mabuo ang family namin,” dagdag pa niya na dahil doon sila nag-bonding at nagkulitan.

Pabirong sinisisi rin niya si Rommel Padilla sa pagkawala ni BB.

“May plan kasi kaming magkaroon ng motorcycle tour sa Pilipinas. Lahat kami, magmomotorsiklo. Eh, pinag-eensayo po namin si BB na magmotor dahil sabi namin sa kanya, ‘Tol, ‘di na namin kailangan ng ganyan dahil lahat kami ay rider. Ikaw ang kailangang mag-training mag-motor.’ Sa napakalungkot po ng ganap, siya po ngayon ay nasa ospital dahil nagkaroon po ng aksidente. Nakatakda siyang i-x-ray kaya hindi nakadalo sa presscon at baka nabalian,” sey pa ng bagong Action King.

Plano ni Robin na magbakasyon pagkatapos ng season 2 ng 2&1/2 Daddies. Gusto niyang magbakasyon sila ni Mariel sa Spain para i-trace ang family tree nila. Gusto raw niyang mapagdugtong-dugtong ang roots ng pamilya nila. Dalawa lang daw ang pinagmulan ng mga Padilla, sa Toledo at Sevilla Spain.

Anyway, maganda ang resulta ng 2&1/2 Daddies at pinapasok ng commercial kaya may bagong season sila. Pero wala muna silang love interest kaya tsugi si Alice Dixson. Pero ‘di maglalaon si BB daw ang magkakaroon ng love interest.

Ang focus nila ay sa pagpapalaki sa baby nilang si Bamba, 4. Kasama pa rin nila sinaTita Celia Rodriguez, Dennis Padilla, Cacai Bautista, at Ritz Azul. Ang 2&1/2 Daddies ay napapanood tuwing Sabado, 8:00 p.m. sa TV5.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …