ni Roldan Castro
EXCITED na kami sa opening ng Wowowin na magsisimula sa May 10 dahil matindi ang pasabog sa production number na inihanda ni Willie Revillame at ng kanyang choreographer na si Geleen Eugenio.
Hitsurang anniversary presentation na dadaigin ang bonggang opening ng awards night at concerts.
Balitang more than 300 ang dancers na magpapakitang gilas sa simula ng Wowowin.
So, kahit ‘yung mga dating dancers ng sikat at matulunging TV host ay nabigyan niya ng trabaho sa pagsisimula ng programa.
Kasama rin kaya sina Luningning, Milagring, Mariposa, Lovely, Congrats Pak ,Ligaya , Liwayway atbp.? Ano na naman kaya ang magiging pangalan ng ilang dancers na bibinyagan ni Willie at bibigyan ng exposure? Sino ang masuwerteng dancer na mabibigyan niya ng break?
‘Yan ang abangan!