Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, ‘di raw girlfriend snatcher; Erich, beautiful friend lang

ni Alex Brosas

042515 erich gonzales daniel matsunaga

ITINANGGI ng Brapanese model-actor na si Daniel Matsunaga na magdyowa na sila niErich Gonzales.

“Everything you guys might be reading is not true and some unfortunately fake information…sad that this is happening… God bless,” tweet ni Daniel recently.

Alam na siguro ni Daniel na hindi naging maganda ang image niya dahil siya ang itinuturong third party sa hiwalayan ni Erich at ng kanyang businessman-boyfriend kaya naman nag-issue siya ng denial sa kanyang Twitter account.

Siyempre nga naman, masyado pang maaga para aminin nila ang kanilang relasyon. Kaka-break pa lang ni Erich sa kanyang boyfriend at kung aamin niya it would make him appear as girlfriend snatcher.

Pero paano mako-convince ni Daniel ang followers and his bashers na hindi pa sila magdyowa ni Erich kung post siya nang post ng sweet moment photos nila ng dalaga?

Just recently, nagpunta sila sa Hong Kong at maraming photos ang ipinost ni Daniel na may caption na, ”Me and minha linda 🙂 just happy #Godisgood.”

Nag-research kami kung ano ang ibig sabihin ng minha linda and we found out that it is a Portuguese phrase for beautiful friend.

Ang paniwala namin ay naghihintay lang sina Erich and Daniel ng perfect timing para aminin ang relasyon nila. Kung ngayon kasi sila aamin ay magmumukha silang kontrabida sa paningin ng mga tao.

Mas naniniwala kaming magdyowa na ang dalawa at na-develop sa kanilang taping ng teleserye. We also believe na itong si Erich ang unang nagkagusto sa binata kaya naman panay ang labas nila. Obvious namang siya ang unang nagkagusto kay Daniel, ‘no!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …