Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SAF episode ng Maalaala Mo Kaya, humataw sa ratings!

042915 Coco angel

00 Alam mo na NonieTINUTUKAN ng maraming viewers ang drama anthology na Maalaala Mo Kaya sa kanilang special two-part tribute episode na ipinalabad last Saturday ukol sa dalawang Special Action Force members na nasawi sa engkuwentro sa Mamasapano, Mindanao. Ang natu-rang episode na may Part-2 this coming Saturday (May 2) ay tinatampukan nina Coco Martin, Angel Locsin, at Ejay Falcon.

Base sa nakita naming post ni Eric John Salut sa Facebook, ang naturang MMK episode ay nakapagtala ng 32.5 % na ratings, samantalang ang katapat nitong programa sa Siyete na Magpakailanman ay nakakuha lamang ng 21.2 % viewers’ share base sa datos ng National TV ra-tings ng Kantar Media.

Umani rin ng positibong feedback sa Social Media ang naturang MMK episode. Pinuri ng netizens at viewers ang magaling na pagganap dito nina Coco at Angel. Dito rin nakita na may angking chemistry ang tandem ng dalawang Kapamilya stars, kaya hindi ako magtataka kung magkakatam-bal sila sa isang pelikula ng Star Cinema, very-very soon.

Anyway, gumaganap dito si Coco bilang si Senior Ins-pector Garry Erana at si Angel naman ang fiancee niyang si Suzette Tucay, na isang aspiring lawyer. Si Ejay Falcon naman ay si Rennie Tayrus, na Senior Inspector Erana ay kabilang din sa bayaning SAF 44 na nasawi sa kanilang mis-yon na arestohin ang teroristang si Zulkifli Abdhir alyas Marwan.

Nagpahayag naman ng kagalakan sina Angel at Coco sa pagkakataon na maging bahagi ng MMK special na ito. “Unang una, huwag na-ting kalimutan ‘yung episode natin sensitive ang issue. So alam natin ang buong bayan nagdalamhati, nalungkot noong nangyari ‘yun, expected na maraming interesado sa nangyari.

”Nagpapasalamat kami na magkaroon ng opportunity na mag-portray ng ganito kagandang role. Tsaka pinaniniwalaan. Ganitong mga kwento kaya mahal ko ang trabaho ko, kung bakit si-guro ako naging artista,” saad ni Angel.

“Nakaka-proud siyempre, sobrang proud ako na isa ako sa mga napili para gumanap dito, kami ni Ejay. Then, napakalaking kaligayahan din po para sa akin na nakasama ko rito si Angel Locsin,” wika naman ni Coco.

Huwag palampasin ang second part ng MMK ngayong Sabado, pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN.

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …