TUWING Mayo ay inaabangan ng mga Pinoy ang tradisyong Santacruzan dahil sa pagparada ng mga nanggagandahang Sagala at nagguguwapuhang konsorte. Dagdag pa ang naggagandahang kasuotan
Sa ika-40 taong pagdiriwang ng Santacruzan sa Bgy. Libid Binangonan, Rizal, na pinamamahalaan ni Gomer Celestial, pinananabikan ang Santacruzan 2015 sa Binangonan na magaganap sa Mayo 3, 7:00 p.m. sa pangunguna nina Chrisslle Marie Pahayag bilang Reina Emperatriz.
Magbibigay kulay din sa pagdiriwang ang bagets actress na si Gabbi Garcia bilang Reina Elena suot ang gown na gawa ni Reneboy Visande kasama rin ang contract star ng Star Magic na sina Paolo Santiago at John Joseph Saynes bilang mga konsorte.
Ito ay lalahukan din ng mga piling kagandahan ng nasabing bayan at mga winner ng Binalayan King and Queen 2015.
Panata ang turing sa Santacruzan, ayon kay Bgy. Chairman Wilfredo Cenal at Kgd. Armin Arada ng Cultural Affairs Committee na sinang-ayunan nina John Jerusalem, Rico Celestial, Carlos Mesa, Leonardo Celestial, Gil Anore, at Edgardo Flores, mga kagawad.
Ito ay sa pagtataguyod ng Sangguniang Barangay ng Libid sa pakikipagtulungan nina Mayor Boyet Ynares, Amelia Celestia, Rick M. See, Matet Gavino, Bgy. Chairman Baby Ceremonia, Mrs. Luz Villones, Mr. Guillermo Anore, Kaalikat Civicom, 109 Riders Club, Barangay Tanod para sa kaayusan sa pamamahala ni Kgd. Anore.
ni Maricris Valdez Nicasio