Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marq Dollentes, tampok sa Alimuom ng Kahapon

 

042315 MARQ Dollentes

00 Alam mo na NonieSI Marq Dollentes ay isang singer, kompositor, at actor. Kamakailan ay nag-launch siya ng kantang isinulat at prinodus na pinamagatang Dear World para sa anibersaryo ng Bagyong Haiyan na ang layunin ay makalikom ng pondo para sa rehabilitasyon ng Tacloban.

Kasama ni Marq dito sina Pop Diva Kuh Ledesma, Jonalyn Viray,Timmy Pavino, Cristina Gonzalez, Isabella Guji Lorenzana, Jane Joseph, Al Gatmaitan, Jojee de Jesus, ang tenor na si Jonathan Badon among others. Ito ay na-feature sa MXY Music Channel at maaaring idownload sa i-tunes.

Bilang actor, si Marq ay nakagawa na ng tatlong pelikula kabilang ang Compound, Xenoa at Sa Pagdapo ng Mariposa.

Sa kasayukuyan, si Marq ay busy sa pagpo-promote ng bago niyang pelikula na may titulong Alimuom ng Kahapon. Ito’y mula sa direksyon ni Rosswill Hilario at nakatakdang mapanood sa May 6. Isang OFW na may karelasyong lalaki ang papel ni Marq dito. Kasama niya rito sina DM Sevilla, Angelo Ilagan, at ang Youtube sensation na si Sebastian Castro.

Abangan ang mga maiinit na tagpo at nakakakiliting halikan dito nina Marq at DM. Dalawa sa soundtrack ng Alimuom ng Kapon ay isinulat at inawit ni Marq. Kabilang dito ang Apoy ng Pag-ibig at Tatakas Tayo which he co-wrote with Malo Cruz.

Bilang stage actor naman, nakapareha na niya ang premyadong mananayaw na si Christine Crame sa isang musical concert na pinamagatang Presence. Isa ito sa shows na itinampok sa Fringe Manila Arts Festival 2015.

 

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …