ni Roldan Castro
BAGAY kina Richard Yap at Enchong Dee na magsama sa isang proyekto gaya ngWansapanataym Presents My Kung Fu Chinito.
Nagkasama na ang dalawa sa mga show abroad pero hindi nila inasahan na magkakasama sa ganitong klaseng proyekto.
Hindi pa-sweeet si “Sir Chief’ sa bagong TV show kundi mag-a-action siya pero light lang at pambata. Nag-training na raw sila ng Wu Shu.
Hindi naman daw nailang si Enchong kay Richard. Parang ka-edad lang niya ‘pag nag-uusap sila.
Bukod dito, gagawin din ni Richard ang Someone To Watch Over Me na kasama niya siJudy Ann Santos. Nandoon pa rin ang kaba niya na ‘Soap Opera Queen’ ang makakasama niya kaya gagawin daw niya ang best niya.Wish niya na magkaroon din ito ng impact gaya ng mga nauna niyang serye na Binondo Girl at Be Careful With My Heart.