Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teddy ng Rocksteady, laging kulang ang ibinabayad sa valet parking

042315 Teddy corpuz Rocksteady

00 fact sheet reggeeAWARE kaya si Teddy ng bandang Rocksteady na kulang ang bayad niya kapag nagpapa-valet parking siya sa ABS-CBN?

Noong una ay deadma lang kami dahil baka naman ibinalik din ang kulang niya sa valet staff, pero hindi pala.

Sabay kaming palabas ni Teddy ng ABS-CBN kamakailan at nagbigay siya ng bayad at sabi’y kulang daw ang barya niya sabay sakay sa kanyang SUV Ford na kulay blue.

At hindi na siya nahabol ng valet staff kaya deadma na at inisip namin na baka ibalik naman kinabukasan since regular naman sila sa Showtime.

Pero nitong nakaraan ay naikuwento ng kaibigan naming broadsheet editor kung kilala namin si Teddy ng Rocksteady at napakunot noo kami sabay tanong kung bakit.

Heto na Ateng Maricris nagkuwento na nakasabay daw niya sa counter na kulang daw ang bayad sa valet parking at sabay alis na kaya narinig daw niyang nagsabi ang valet staff ng, ”abono na naman tayo.”

Kaloka, akala namin ay isang beses lang ginawa, iyon pala may kasunod pa pala at hindi binayaran ‘yung kulang?

Ano ba ‘yun Mr. Teddy ng Rocksteady, magkano lang po kinikita ng valet staff para mag-abono ng kakulangan ninyo sa valet parking? Hindi naman ‘yan katulad ng sa kanto na maski magkano lang ang puwede ninyo ibigay.

May record po kung anong oras pumasok at lalabas ang sasakyan kaya hindi nila puwedeng doktorin.

Kung kaming taga-media nga nagbabayad din sa valet parking kapag hindi kami nabigyan ng parking ticket.

Sana sumunod tayo sa regulasyon para maayos lahat.

 

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …