Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Ralph, nagkaroon nga ba ng relasyon sa isang singer?

ni Ed de Leon

042315 Vilma Santos ralph recto

BIGLANG may nagtanong sa amin, ang sinasabi raw kaya ni Governor Vilma Santosna minsan ay “nag-left turn” si Senator Ralph Recto ay may kinalaman sa naging tsismis noon ng isang female singer at ng senador? Maugong kasi talaga ang mga kuwento tungkol sa mga bagay na iyan noon. Nakilala raw ng senador ang singer na nagtrabaho rin noong una sa isang club. May tsismis pa nga na noong makagawa na ng album ang singer, hindi iyon puwedeng guest, ibig sabihin talagang banned sa TV show ni Ate Vi.

We have to admit na mayroon ngang ganoong tsismis. Pero may mga bagay sigurong kailangang linawin ngayon, lalo na at inamin na rin naman ni Ate Vi ang katotohanan na minsan ay may nangyaring ganyan. Noong unang matsismis iyan, natatandaan naming naitanong kay Chit Guerrero, na noon ay siyang producer ng Vilma saChannel 7 pa. Mabilis ang sagot sa amin ni Chit, walang kahit na sinong singer na banned sa kanilang show, at walang sinasabi si Ate Vi, o sino man sa kampo niyon na i-ban ang kahit na sinong singer. Kaya nga lang iyong Vilma noon, laging sumusunod sa isang concept at siguro nga walang pagkakataon na bagay naman sa show ang mga kanta ng female singer na iyon.

Walang sinasabi noon si Ate Vi tungkol sa mga tsismis, at wala rin namang nagtanong, “out of respect”. Wala ring kumalkal ng kuwento sa media, kaya nga nakabibigla ang tsismis sa marami nang si Ate Vi na mismo ang umamin after so many years.

Pero kung kami ang tatanungin, may magandang naging epekto iyon. Kasi naging malinaw din naman kay Ate Vi na ang priority pala niya ay ang kanyang pamilya, at pangalawa lamang ang kanyang showbiz career. Siguro noong panahong iyon, masyadong buhos ang loob niya sa kanyang showbiz career. Bakit nga ba hindi, sunod-sunod ang kanyang mga pelikula na lahat ay hits. Alternate ang gawa niya ng pelikula sa dalawang pinakamalaking kompanya ng pelikula noon, ang Viva at Regal. Siya rin ang highest paid television star noong kanyang panahon.

Pero iniwan niya ang lahat ng iyon, mas ginusto niya ang magkaroon muli ng anak, at asikasuhin ang kanyang pamilya. Siguro ang nangyari ay naging “wake up call” din para sa kanya. Ngayon mas proud siya dahil sa kanyang anak na si Ryan Christian. Kung hindi siya nagbakasyon sa showbiz noon, paano nga ba?

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …