Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Inah, pressured maging parents sina Janice at John

ni Alex Datu

042215 Inah Estrada john janice

INAMIN ni Inah Estrada na nagdadalawang-isip ang kanyang mga magulang na sina Janice de Belen at John Estrada na pasukin niya ang pag-aartista dahil base sa kanilang naging karanasan, napakahirap matsismis, maintriga.

“Sabi nga nila Mom at Dad, mahirap ang buhay-artista, hindi ito madaling pasukin. No matter what, there are people who judge you, there are people who like you and hate you. Ang importante lang talaga ay to be yourself,” sambit nito. Inamin din nito na malaking pressure sa mga anak ng mga sikat na celebrities na katulad niya ang nasa ganitong sitwasyon. ”People will expect from you and they will look onto you in every moves you do. Kailangan talaga galingan mo sa pag-arte dahil tiyak ikukompara ka sa mga magulang mo,” pahayag nito.

Ngayong nasa showbiz siya at bida sa Wattpad Presents The Nerdy Girl Turns Into A Hottie Chick kapareha si Akihito Blanco, naka-set na ang kanyang isipan na itatanong sa kanya ang mga magulang. Nakasanayan na niya ito.

“My Mom always tells me to be strong at magkaroon ng passion sa trabaho. Dapat hindi male-late sa trabaho. My Dad naman is kalog, he is very cool. Mas stage father siya kasi tuwing magkikita kami palagi niyang itinatanong ang ginawa ko at mayroon agad siyang advices on whatever I do.”

Unang napanood si Inah bilang kontrabida sa isang palabas at nagustuhan niyang gampanan ito. ”I want to be flexible in everything. I want to be kontrabida-bida and I do not stick to one thing. I want to explore every role as much as possible. As long as the role is good, kukunin ko talaga.”

Kung siya ang masusunod, ayaw nitong ipapanood sa mga magulang ang mga nilabasan. Sakaling manood ang mga ito, dapat ayhindi siya kasama. Natutuwa naman siya dahil hindi naman nagkukulang ang mga magulang na bigyan siya ng constructive criticism.

At 21, inamin nito na nakadalawang boyfriend na siya, non-showbiz pareho. Ang una ay 16 years old pa siya at nagtagal ng 5 years at ang latest ay nagtagal lamang ng ilang buwan. ”I don’t open up to my mom kasi I can’t avoid crying. Even my Dad, ayaw kong mag-open sa kanya pero sa mga sister ko, roon ako nag-o-open. ‘Yung pangalawa ko, we just broke-up a month ago.”

Sa puntong ito, ayaw nitong magkaroon uli ng lovelife ang kanyang Mom Janice, ”Ayaw namin na may manliligaw uli sa mom namin, tama na kaming mga kapatid. Masaya naman siya sa aming magkakapatid. Takot lang kami na baka muli siyang masaktan. Hindi namin dine-deprive ang kanyang happiness kasi alam namin na masaya na siya sa amin. At saka, as of now naman, she’s not looking for anything.”

Speaking of nerdy girl, natanong namin si Inah kung ano ang personalidad niya sa totoong buhay, isang nerd or hottie chick? ”Nerdy in terms of mahilig akong magbasa. Hindi naman sa hottie pero super confident lang ako sa sarili ko kaya siguro may magsasabing ganoon ako pero more on nerdy ako.”

At dahil mahilig siyang magbasa ng libro, darating ba ang araw na tatawagin siyang ‘Quotation Queen’ tulad ng Mom Janice niya? ”She is the ultimate quotation queen. We gave that title to her because she earned it. Ang dami niyang pinagdaanan. She talks about life, love. So, sa kanya lang talaga ‘yun.”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …