ni Alex Datu
Ayon naman kay Akihiro, inamin nito na noong una ay iniisip nito kung magkakaroon ba sila ng chemistry ni Inah pero nang nagsimula na silang nag-taping ng kanilang episode sa Wattpad ay nagulat siya dahil magaan katrabaho ang ka-tandem. ”Very comfortable ako working with Inah. Wala talaga akong alam eh, kasi hindi pa kami nagte-taping pero nagulat ako, mayroon pala kaming chemistry noong nag-taping na kami. Marunong siyang umarte, nagulat ako. Wala kaming ilangan pero nandoon ang kaba dahil tiyak panonoorin ng parents niya ang arte namin kaya nga, may kaba akong nararamdaman.”
Sa natitirang three years contract nito sa Kapatid Network, nagampanan na nito ang magpa-cute at romance-comedy genre kaya naman gusto na nitong magampanan ang dream role na maging kontrabida na nakikita niya kay John Regala. ”Gusto kong maging kontrabida, gusto kong maging masama. Feeling ko roon lalabas ang aking pagiging artista. Roon naman sa tinatanong na kung kailan ako magpapakita ng katawan, siguro magpapakita na ako kapag ready na.”