Thursday , June 4 2026

Kasalang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano tuloy pero petsa naurong (Dahil pareho raw busy)

042215  paul soriano alex  toni gonzaga

00 vongga chika peterSa April 25 na gaganapin ang first major solo concert ni Alex Gonzaga na “The Unexpected” sa Smart-Araneta Coliseum na ayon pa sa produ na si Joed Serrano ay 85% nang sold ang tickets.

Kaya’t sigurado pagdating ng Sabado ay puwedeng mapuno ng Kapamilya star ang big dome dahil maraming fans na last minute raw kung bumili ng kanilang ticket. Siyempre sa concert ni-yang ito ay all-out din ang support kay Alex ng kanyang Ate Toni Gonzaga na bukod sa guest niya, ang sipag rin kung mag-promote sa social media at show na guest siya.

Nakabibilib talaga ang dalawa dahil kahit ka-ilan ay hindi sila nagkaroon ng rivalry sa isa’t isa.

And speaking of Toni ay ibinalita pala last night sa “Bandila” na hindi tuloy ang kasal nila ni Direk Paul Soriano sa June 12 sa isang kilalang simbahan sa Antipolo. Ang rason ay parehong busy ang dalawa.

Si direk Paul ay abala sa mga special screening sa abroad ng idinirek na pelikula na Kid Kulafu at nakatakda pang manood ng laban ni Manny “Pacman” Paquiao kay Floyd Mayweather, Jr. Samantala, si Toni naman ay may ilang prior commitments rin daw na dapat tapusin. Pero huwag raw mag-alala ang fans ng dalawa dahil tuloy this year ang kanilang wedding.

So huwag kayong mainip gyud!

 

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …