Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roxas, inspirasyon ng mga taga Dasmariñas

042215 mar roxas Dasmariñas

TUMABA ang puso ni Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas matapos siyang bigyan ng parangal sa ika-16 na Gawad Karangalan ng Dasmariñas City sa Cavite sa pagiging inspirasyon niya sa mga mag-aaral ng lungsod.

Pinuri ni Dasmariñas Mayor Jennifer Austria-Barzaga ang mga nakamit ni Roxas sa kanyang pagseserbisyo publiko mula noong kongresista, senador at ngayon ay muling pagiging miyembro ng Gabinete.

“Palagi po nating alalahanin na marami ang tumulong. Nariyan ang local officials, ang mga magulang na nagtrabaho, na nagsakripisyo para maibigay ang magandang buhay,” ani Roxas.

Ayon kay Roxas, bahagi ito ng kanyang trabaho at marapat na alalahanin at magsakripisyo para sa nakararami.

Taon-taong pinararangalan nina Dasmariñas City Lone District Rep. Elpidio F. Barzaga, Jr., City Mayor Jennifer Austria-Barzaga, Vice Mayor Valeriano Encabo, DILG, at mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod at Sangguniang Panlalawigan ang mga natatanging mag-aaral sa Dasmariñas.

Higit sa 1,330 mag-aaral ng elementarya, high school, college, post-grad, board or bar exam passers ang kinilala ngayon 2015 at tumanggap ng kabuuang P2.405 milyon.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …