Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rocky, nakipag-selfie kay Pacman

042015 pacman stallone

00 Alam mo na NonieNAKAKATUWA ang lumabas na photos ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao kasama ang Hollywood superstar na si Sylvester Stallone. Nangyari ito nang bisitahin ni Sly (nickname ni Sylvester) si Pacman habang nagte-training sa US.

Naalala ko tuloy ang Rocky movie series ni Stallone na talaga namang nagustuhan namin nang husto, lalo na ang hanggang part four nang nakalaban niya si Dolph Lundgren bilang Russian fighter na si Ivan Drago. Kaya kapag nakikita kong magkasama sina Manny at Sly, naaalala ko ang dalawang great boxing heroes sa katauhan nina Pacman at Rocky. Although, pampelikula lang si Sly, samantalang sa tunay na buhay naman si Pacman.

Anyway, aminado ang Rocky at Rambo star na fan siya ni Pacman. Actually, matagal nang nababalita na gustong makasama ni Sly si Pacquiao sa pelikula. May bulong-bulungan nga na posibleng matuloy na ang pagsasama nina Pacman at Sly sa pelikula, via Expendables 4.

Sa nangyaring pagbisita ni Sly, bukod sa photo op with matching selfie pa ni Sly kasama si Pacman, binigyan din ni Manny ng autographed pair ng gloves si Sly.

Incidentally, habang papalapit nang papalapit ang sagupaan nina Pacman at Floyd Mayweather Jr., parami rin ng parami ang mga celebrity na dumadalaw kay Pacman upang magbigay ng moral support.

Kabilang sa listahang ito sina NBA star Jeremy Lin, Black-Eyed Peas member na si apl.de.ap, ang PBA Living Legend na si Robert ‘Jawo’ Jaworski, ang magtatay na sina Benjie at Kobe Paras, ang direktor ng Kid Kulafu na si Paul Soriano, ang Hollywood veteran actor na si Robert Duvall, at marami pang iba.

Nakakataba rin ng puso ang inilungsad na Isang Bayan para kay Pacman ng TV Patrol ng ABS CBN dahil after five days pa lamang ay umabot na agad ng higit 16 milyong suntok ang nakuhang suporta ng naturang kampanya.

Good luck sa iyo Pacman! Ang tagumpay mo ay tagumpay din ng lahing Filipino!
ni Nonie V. Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …